Saturday, April 30, 2011

uso eh!

anatagal inabangan sa tv nung royal wedding. sinungaling ako kung sasabihin kong di ako nanuod eh yun lang naman ang palabas sa tv. sino ba namang ayaw makita ng bumbunan ni prince william? so ayun nga, inantok ako habang kinakasal sila. inaabangan ko kasi kung may terorista bang susulpot o kaya kung may madadapa habang naglalakad sa aisle. kaso wala, kaya boring. tama bang madistract ako sa boobs ni kate middleton? para kasing pandesal.

kagabi, magkausap kami nung dati kong kasama sa dyaryo. nagulat daw siya at may asawa pa raw pala si queen elzabeth. yun siguro ang dahilan kung bakit mahaba parin ang buhay niya. nadidiligan parin si queen mother na kulay tweety bird kahapon.

marami akong napagtanto, syempre dapat laging may napupulot sa bawat pinapanuod:

1. mas maganda talaga ang accent nila harry potter kesa sa puntong bulakenyo na meron ako
2. matanda na pala si mr. bean
3. buti na lang hindi ganun ang tugtog sa simbahan samin kundi maghihilik ako
4. si posh spice ang favorite ni prince william sa spice girls
5. kinuha ni prince harry ang buhok ni prince william
6. mas masipag si connie sison kaysa kila vicky morales at jessica soho kasi mas marami siyang nareport
7. bullet proof yung hat nung queen. hula ko lang
8. yung singsing ni prince william ay isusuot sa kanya ni kate sa honeymoon!
9. tuwing magrereport si jessica soho, lagi siyang pinuputol kasi may pumapasok na news abroad. so sayang lang talaga yung pinunta niya. epic fail
10. pero hindi naman pala sayang kasi for sure, gagamitin niya yun sa show nya tuwing sabado kaya mahal ko parin si jessica.
11. tamang timing ka ombudsman merceditas gutierrez!  pak! pak! pak!

Friday, April 29, 2011

imaginary friends

si mots at ang dragong mukang aso na may nakakalitong anggulo
yabah!      

ang sangkatutak na halimaw. bow

nakakasama talaga mg loob ang kawalan ng photoshop ;(
______________


naedit ko na:


Thursday, April 28, 2011

for mall

na-isnspire at na-inggit ako kay may ann lumbang licudine (mall) kaya binuksan ko ulit ang aking halos natutuyo nang water color at nagpinta ng kung anu-ano :)

bisitahin nyo ang blog niya. halimaw pramis :P

wala lang. vain!




wala lang ulit

Anything you truly want, has to worth fighting for-Betty

valedictory speech

my favorite line from wicked's defying gravity

god couldn't be everywhere, so he created mothers
natuwa ako sa damit nung nanay, parang tubig :)


___________________
bongga si ate
sa sobrang ganda ng mga gawa ni mall, hinahap ko yung piratang dvd ko ng Studio Ghibli   para lalong ma-inspire, kaso di ko na makita. kaya pumunta kong tindahan para mamirata ulit (bad). nung nandun nako, nag-aalangan akong sabihing "ate meron ba kayong movies ng studio ghibli?" baka akalain ni ate alien ako. kaya sabi ko na lang :"ate, may spirited away po kayo,yung collection?"

nagulat ako, sabi ni ate sakin: "ah yung studio ghibli ba? wala na eh. dati pa kasi yun. teka pagtatanong kita dito ng ibang gawa ni  hayao miyazaki. wait mo ko" nalurkey naman ako sa galing ni ate. kaso pagdating niya, ubos na nga raw. :(

di ko na tinanong kung may alam ba siyang Isao Takahata hehehe

Wednesday, April 27, 2011

rabbit stew

nanaginip ako kagabi.

humuli daw ng 4 na kuneho ang nanay ko para gawing rabbit stew. putulan ko raw ng paa para masarap. wala namang pag-aatubili kong pinutol yung paa ng dalawang puting kuneho. take note: buhay sila ng ginagawa ko yun. nung nakuha ko na yung mga paa, tinapon ko sila sa ilog. nakita ko pa kung pano malunod yung isa. astig. pagbalik ko sa kusina, nakita ko yung dalawang rabbit na nagse-sex. so nanuod muna ko. medyo matagal silang magsex. pero casual lang. ganun pala yun. pagkatapos makapagparaos nung lalaking kuneho, unti-unti siyang nawalan ng balahibo, nagkaroon na lang siya ng parang itim na buhok sa ulo. sumisingkit ang mata. mygawd! nagmumuka siyang koreano. sabi ko "hello, pwedeng magpappicture?" sabi nung kuneho "okay lang". nagulat ako. bakit nagtatagalog yung kuneho eh koreano siya?


nagising na lang ako nang humihingi si mudra ng pambili ng pandesal.

from here
syang di ko man lang natikman yung niluluto ko sa panaginip.

Monday, April 25, 2011

huwag nang ipilit

 
nagpakita na ulit ang gustong salamin ko. this time, may aanakin
akong dalawang sanggol na di ko naman ka-close ang mga
magulang. fuck! sinong bang nagpauso na bawal tumanggi
sa pagiging ninong?

Saturday, April 23, 2011

hands

larawan from here
as
i trace
your almost sweaty fingers
the moon
on your fingernails

i realized
it is not mine
anymore

you're an estranged lover
now
a
distant memory
fading into the
deepest part
of
consciousness

you,
whose fingertips
taste like freshly-picked strawberries
whose palms
warmed
my
own
whose touch

soothes
fondles
frolicks
flickers
your digits like digits of sunlight

tonight, my love
as
i trace
your fingers in my sleep
i realized

that these lines
on your hands
-the evidence of my
track

is loneliness
shifting
into a

daydream.

Wednesday, April 20, 2011

tatlong (nagpapanggap na) tula

nagbabasa ako ng mga lumang journal entries ng makita ko to. tawa ako nang tawa. nung araw pa pala eh may tagalay na ko kahalayan.

sabi ko sa lunes na ko magboblog kaso sinipag akong magpost. tapos na rin naman akong magbura ng mga nilalang sa ibabaw ng lupa.


______
I.
tongue

crossing.
i'm crossing this celestial space.
gasping
grasping
breathing
scorching to the heat of our skin
rubbing against each epidermis.
sweaty
moving to the chant of your

moan.

this flesh.
this penis of mouth
shall pass through
the walls

grasping
gasping
dancing

french kissing.
i'm


coming.

___
II.
bulimic 


kung kayang isuka ang kalungkutan
isusuka ko ito

nang paulit-ulit.

ilalabas sa lalamunan ang matagal ng
piaiikot sa sikmurang
lumbay.

padadaluyin sa lalamunan
palabas
gaya ng pawis
sa palad.
semilya sa 
magdamag
plemang idadahak.

paulit-ulit
paulit-ulit
paulit-ulit

kung kayang isuka ang kalungkutan

malamang

kasama ka na 

ng aking agahan.

___
III.
nap(e)

i could have
resisted it

you,
brushing
the hair on my nape
with your warm

almost sweaty fingertips.

you, moving closer
as i feel
your

breast

on my back.

throbbing.
i hear your heartbeat.

your hands
on my shoulders
defying summer's heat.

but i did not.
instead,

i pretended to be

asleep.

Tuesday, April 19, 2011

palusot


hindi naman sa tumatanda na ko. madali lang talagang magbago
ang muka ng mga bata, kaya madalas, pag tinatawag nila ko sa
labas ng skul, hindi ko sila nakikilala.

kaya pag nakita mo ang dati mong teacher at sinabihan ka niya ng
"san ka na ngayon?" nang hindi binabanggit ang pangalan mo,
malamang sa hindi eh hindi ka niya naaalala.

ps. after holy week na ko babalik. magmumuni-muni muna ako
at magbubura ng mga tao sa buhay ko. emo!

Monday, April 18, 2011

war

every calorie is a war.


*may eraser naman ako. tamad lang talaga kong magbura(t)

Sunday, April 17, 2011

walang photoshop

at dahil bobo ako ngayon, ang "nang" na mahaba ay naipagpapalit
ko na sa " ng" na maikli.

Thursday, April 14, 2011

dealing with odd parents


isang PTC, tinanong ako ng isang tatay kung
 ano raw ba ang epekto
ng bagyong ondoy sa pagbaba ng grades ng anak niya.
so isisi raw ba sa walang kamalay-malay na bagyo
ang ka-bobohan ni junjun?

maraming parents ang uber sa pagka grade conscious.
dinaig pa ang mismong anak nila. pero ang nakatawa
sa lahat, sasabihin pa nilang wala silang time pero
bitbit nila ang records ni junjun habang dinudutdot
ang jumbo calculator sa fez mo.

ikaw na lang mag teacher mommy?
pero sabagay, sabi mo nga, busy kang tao. 

___

tips sa mga bagong guro:

1. maging handa sa lahat ng record.siguraduhing tama ang computation ng grades. wala dapat silang makitang butas maliban sa butas sa muka mo.
2. hindi naman lahat ng magulang eh praning. pero waga magpaka-kampante.
3. unahan lang yan. wag papasindak sa jumbo calculator ni mama grade conscious.
4. kung nagmamaganda si parent. magmaganda ka rin nang bonggang-bongga! lagay ba eh si parent na ang bagong may authority sa classroom at sa paggawa ng grades? palit na lang kayo.


5. wag kang magpapahuli ng buhay.

Tuesday, April 12, 2011

Sunday, April 10, 2011

love child

dahil tinatamad na kong manuod ng american idol dahil sunud sunod na nawala si thia, pia at naima, gumawa na lang ako ng ganito:
mga pwedeng kombinasyon para magkaroon ng anak na pasok sa top twelve. heheh

trip trip 
mulan+pocahontas+thia

lara+selina=pia

Yogi bear+leprechaun=casey

David+dentures=paul

cow=+mad-scotty

biker mice member+adam=james

black jack+predator=naima


randy+fantasia=jacob





kay cute na cute na casey na lang ako nananalig :)
______________

SAGOT:

agar / agar-agar na ginagawang gulaman

Friday, April 8, 2011

wala akong maisip na title

simple lang ang unang dasal na tinuro ni mudra sakin



bless mommy, bless papa, bless kuya, bless ate. amen.


kaso nung lumalaki na ko, nung dumadami na yung taong kailangan kong ipag-bless, tinamad na kong magdasal sa gabi.iba na kasi ang pinagkakaabalahan ko pag madilim. charot.

pero kung iisipin parang andito naman na lahat ng dapat sabihin. kaya sa unang gabi ng summer bekeysiyon ni ser mots,

isang malutong at tagos sa pwet na God bless you all! :) wala sanang malunod sa pagsuswimming.

larawan from here

Thursday, April 7, 2011

barrio pride

larawan from here
"naisip ko noon, nung wala kaming pambili ng gamit sa paaralan, wala namang award para sa magandang sapatos at magarang bag. kaya sabi ko sa sarili ko, mag-aaral ako nang mabuti."

"pag nakikita ko ang mga magulang ko na gumagapang sa hirap, mapagtapos lang kami, sinabi ko sa sarili kong hindi ako dadagan pa sa kanila. balang araw, makakahon din kami sa hirap"

"hindi natatakal ang galing sa mahal ng matrikulang binabayaran"

"sa aking mga magulang. kung isisilang man akong muli. hinding-hindi ko kayo ipagpapalit"

_______

nangingilid ang luha ni ser mots habang pinapakinggan ang speech ng batang nagtamo ng unang karangalan. sabi ko na lang, "bawal kang umiyak gago ka, magmamaganda ka pa sa pageemcee" kahit na punas na nang punas ng luha ang mga co-teachers ko.  kaya ayun, sa bus pauwi ng maynila ako nagmoment. hehehe :D


maligayang pagtatapos!!! hindi niyo man ito mabasa at di pa uso ang internet sa isla, ipinagmamalaki ko kayo nang pak na pak!

Tuesday, April 5, 2011

"wonderfully creepy"

napanood ko na rin sa wakas ang black swan. ang babaeng napasobra ng pulbos at eyeliner.oo na. late na kung late.

pag nagkaroon ng anak na babae at gusto niyang i-enroll ko siya sa ballet class. ipapapanood ko to sa kanya para makatipid kami.

in fairness sa kainan ng pussy scenes este sa bakat na nipples ni natalie portman, este sa kwento. akala ko eh simpleng simple lang. pero maraming namamatay sa malaking akala. naglalaba si mudra, nung narinig niya siguro yung mga halinghing eh bigla siyang napapasok sa sala. ba namang, ang inabutan pa talga niya eh yung palung-palong love making ni nina at lilly. imperness talaga kay natalie. parang iba talaga yung gumanap na white sa black swan. parang lokohang napakaganda! pak!

isa itong feel good na pelikula. parang nanuod ka ng catch me im fucking inlove. kunwari depressed ka, manuod ka nito. pag wala kang maipagawa sa klase mo, mag film viewing kayo ng black swan. pag pinagtatawanan mo yung kapitbahay niyong mas maputi ang muka kesa sa leeg niya kagagamit ng mena, sabihin mong manood siya nito.


"I felt it. Perfect. I was perfect"
-Nina

___

moral of the story:

1. maggupit ng kuko.
2. bago magmasturbate, i check kung hindi natulog si nanay sa kwarto mo.
3. hindi na uso  ang "break a leg", stab yourself na.
4. pag di mo nakuha ang gusto mo, bumalik ka at kagatin ang labi ng nag-reject sayo.
5. ang sobrang paggamit ng eyeliner ay nakapupula ng mata.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...