Wednesday, June 8, 2011

weak 1


yan ang first lesson ko sa math. charus!

thursday na bukas pero kakalahati parin ang klase ko. mag-iisang linggo na rin akong puyat kagagawa ng LP. hindi pa sanay ang katawan ko sa sandamakmak na lesson plan at pagtayo maghapon (pag may rumoronda) . nakabakasyon parin ang diwa ko. okay naman ang unang linggo. mas marami akong hawak na subjects ngayon pero mas magaan parin kesa nung pressured ang bangs ko sa grade 1.  ipinanganak talaga ko para magturo ng grade 5.mas naeenjoy ko ang maghapon.

panahon din nga pala ng mataas na tubig kaya tuwing lalabas ako ng klasrum, kailangan ko pang mag-bota. ngayong araw ko lang din naranasan na ulanin sa bangka papuntang school. totoo nga pala. pati brief mo, hindi sasantuhin-kahit magpayong ka pa..

medyo nasasanay narin akong naririnig ang "ma'am, ma'am, ma'am ay ser"


--

pangako, hindi ako magpapasulat ng tungkol sa nakaraang bakasyon sa formal theme.


20 comments:

  1. Galingan niyo Ser Mots! kaya mo yan. :D

    ReplyDelete
  2. Base?

    Ang cool naman ng pic! Good luck to another school year sir mots! :D

    ReplyDelete
  3. Anu ba yun? Board ba yun? Eh bakit parang ang taas taas? Haha. Ang cute ng picture. Haha. Mas cute na mga estudyante mo pero nakakamiss pa din sila Faye. Haha.

    ReplyDelete
  4. mukhang mahal na mahal ka ng mga estudyante mo ah :D

    ReplyDelete
  5. bilib ako sa mga gurong tulad mo Tser Mots,

    matubig sa paligid at mga bata ang tinuturuan...bow po ako..which means teaching is really your vocation..


    sanay na rin akong tawagin ng 'ma'am' hihihi..

    ReplyDelete
  6. i laaaaaaaab the piktyur kuya al.

    ReplyDelete
  7. What I did this summer vacation. LOL.

    ReplyDelete
  8. sir di mo malimot ang former class mo,hehehe!

    ReplyDelete
  9. wow! super like namn ng picture nyo sir mots! hehehe

    ReplyDelete
  10. haha! natawa ako sa "ma'am, ma'am, ma'am ay ser"

    ang cute ng picture mo wid ur pupils! pansin ko lang bakit naka lipstick ang mga babae? hehe! ang bata bata eh.

    pwd lakihan mo ang font mo.. good morning sir mots.

    ReplyDelete
  11. haha. naaliw ako dun sa picture mo. i will be starting with my teaching career this month. part-time muna. college naman ang tutruan ko.

    well, goodluck sa panibagong school year. nawa ay magbunga ito ng bonggang bongga.

    ReplyDelete
  12. LOL. Achievement ser, napuno niyo iyong blackboard ng kung ano-anong math lang ... LMFAO! :D

    ReplyDelete
  13. wow! paranng nagpo-pose lang para sa movie poster ah. haha.

    Ang bongga2x naman ng blackboard, parang 2 tao kataas. Mas bongga naman ang ulan. Walang panama yung payong ko kanina. Inenjoy ko nalang, male-late din naman ako. haha

    ReplyDelete
  14. lol, mom is a teacher too! :)
    madals na din maiinit ulo nya these past few days..haha

    "hindi pa sanay ang katawan ko sa sandamakmak na lesson plan at pagtayo maghapon (pag may rumoronda) "

    lol pag mayrumoronda tlga! haha
    san ka ba nagtututro now?
    cute pic by the way

    (^_^)

    ReplyDelete
  15. iba ka talaga sir mots! dedication na yan! ibang iba. dekila! mamimiss ko ang mga kwentong grade 1 mo! :)

    ReplyDelete
  16. maam ser maam ser!! hahahah! kaloka! ang ganda naman ng pic ser ay maam! ahaha!

    pasulatin mo sila..i know what you did last summer! ahaha

    ReplyDelete
  17. haha! totoo ba yang pic na yan? katangkad naman ng balackboard na yan! tas bat nakablack lahat ng pupils mo? para namang kulto at ikaw ang sinasamba! creepy! (x

    ReplyDelete
  18. Kainggit, sana ikaw na lang teacher ko noong Grade 5 ako. Yung teacher ko kasi eh yung bwisit na matandang babaeng mukhang hybrid ng seahorse at iguana, na mahilig magpacontribution tapos para sa potted plants yun pala sa garden nya sa bahay ilalagay.

    Yung isang batang babae jan sa pic, hindi ko na ituturo kung sino, pero kitang-kita sya, mukha syang maldita... yung hands in prayer nya eh parang mapagpanggap na reigun.

    ReplyDelete
  19. hahahaha "ma'am..ma'am..ma'am ay ser"...kulit

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...