(hinawakan ng dalawang co-techers ko ang kamay ko habang nakasakay kami sa bangka,pauwi galing school)
"bakit ganyan yung mga daliri mo ser? nginatngat mo ba yan?"
"nagdrawing ako.hihi" (malanding tawa)
magdodorwing ulit ako sa bakasyon. magdodrawing nang magdodrowing hanggang sa mapudpod pa ang pudpod ko ng daliri at mamalayang may pasok na pala ulit bukas.
isang linggo na lang. drowing na drowing na ko!
Thursday, March 31, 2011
bulong
si puil X. kinuha ang baon ng kaklase, nangopya sa exam, sinuntok si katabi kasi ayaw magbigay ng baon.
"ser, baka kaya binubulungan na ng demonyo si pupil X"
-Dugong
larawan fom here |
Wednesday, March 30, 2011
habang kumakain
take note: kumakain
larawan from here |
faye: ser: tignan mo yung sugat ko nagnanana!
ser: lumayas-layas ka nga sa harap ko faye.
aldo: (nagkamot ng betlog)
ser: ay isa ka pa. labas muna kayo.
faye: punta po muna kami sa patay.
ser: sige sige.
(pagbalik ni faye at aldo)
faye: ser, yung patay wala pa sa kabaong
aldo: tas po may pangtali sa ulo para di bumukas ang bibig
faye: nakakatakot po!
aldo: nakakadiri
Monday, March 28, 2011
natatawang naeemote
naghahalungkat ako ng gamit kanina nang makita ko ang pink na pink na stationary na nakaipit sa nilulumot kong journal. walang singpangit ang handwriting.
___
Mahal kong Teacher,
Mahal kong teacher Mots. salamat po sa mga itinuro niyo sa akin. pwede nyo po itong itago sa isipan niyo habang kayo ay "tumatanda" (pakyung bata)
salamat din po sa mga pangaral sa amin lagi. hindi ko po kayo makakalimutan.
P.S. Sana wag po kayong magbago :)
Sumasaiyo,
J
nangingiting natatae? |
p.s ulit.
magtatapos na ang school year. bye bye faye, fredelito, teray at buong grade one na! :(
Sunday, March 27, 2011
walang basagan ng trip 2
so eto na yung yung 2nd installment ng kapekpekan ko 4 years ago. graduation nga pala ng kaptid ko nung nagawa ko to. kasalukuyang naghihikaahos ang dyaryo sa kawalan ng pondo. ako naman, naghihikahos ang lovelife. tse!
ang salitang "nape" noon para sakin ay napaka poetic. ngayon, parang nangmamanyak lang.
the morning when i took the longest bath
this morning
when i took the longest
bath
i scrubbed every known skin on
naked body.
my sole.
my fngers.
my nape.
i tried
as much as i could
to wash the littlest mark
you have left on my skin.
i showered
the thoughts that already
became one with me.
your voice on my ears.
your name on my lips.
your cheeks on my palm.
everything that had in contact
with you
i let it all flow down
to
the open drain of
forgetting.
i drowned you
with water and soap
but still i see you wandering everywhere
you exixt where i exist
you breathe on my lungs
you nap on my skin
this morning when i took the longest bath.
i failed
to take you
off.

Saturday, March 26, 2011
walang basagan ng trip
larawan from here |
ilalagay daw nila sa literary folio yung tula ko nung college. "Anong tula?" sabi ko. "yung elegy at the morning.." sabi ni EIC na walang boobs. "luma na yun eh". kunwari ayaw ko, pero deep inside natuwa naman ako at isasama nila. (baka kasi may sobrang space pa)
sa luma, di ko na alam kung bakit ko nasulat yung dalawa na to. nakalimutan ko na nga kung para kanino to eh.pero charot lang yun syempre. nung nakuha ko yung kopya. natawa ko sa mga kapekpekan ko. baklang bakla ang pota kung tumula.
bukas na yung isa. tinatamad akong mag-type.
___
elegy
i vowed
that on this day of your absence
i'd never miss a single strand of your
hair
in this melancholic day
drenched by the rain
that i'd never hear
your voice from the
water rushing from
the gutter to the bed of
drowning soil
in the whisper of
the wind
i'd never feel the warmth
of your palm
this day does not possess.
in the eye of this storm
i'll never see yours.
in her sky
i'll never feel your skin
moving in the cadence of tears.
this haze
is not your breath
this wave
is not your finger
this storm
is not your absence.
i vowed
not a single debris
of your memory shall linger
in the havoc of this great
typhoon
Thursday, March 24, 2011
mudra strikes back 2
nag grocery ulit kami ni mudra kahapon.
ser: bibili lang ako ng gel at alcogel
mudra: bakit ba nag ge-gel? ang bilin mo eh yung makakain
(paglpat sa kabilang lane)
mudra: teka wait. bibili ako ng ponds.
(kakainin mo ang ponds mother?)
______
ser: bumili ako ng damit.
mudra: ay maganda! teka, nahuhukot ka!
ser: (straight body)
mudra: ayan!
ser: eh bumabakat yung boobs ko!
______
ser: magbihis ka na, aalis na tayo.
mudra: bibili lang ako ng sabon
(after 30 minutes)
mudra: may pila ng libreng sabon sa baranggay eh. nagpa-interview pa ko.

Tuesday, March 22, 2011
kaya mo yan mommy!!!
may nakasabay akong mag-ina sa jeep kanina. yung mommy binili ng clay yung kyut na kyut niyang chikiting.
anak: mommy saan gawa yung clay?
mommy: (tinignan yung likod ng box..eh walang nakalagay) anak, wash your hands after playing ah!
anak: eh saan nga po gawa yung clay?
mommy: yung green saka yellow, pag pinagsama mo, yellow green (huwat?)
anak: san po to gawa momy?
mommy: gawa tayo ng "daynisor" mamaya.
anak: sige mommy! gagawa ako ng dinosaur mamaya.
(akala ni mommy safe na siya)
anak: mommy, mommy, mommy..ano yug accordion?
mommy: .......
____________________________
super proud tatay
graduation sa friday ng mga chikiting ko :D
si W lang naman ang salutatorian at si J naman, akala ko, most talkative lang, yun pala 3rd honor pa!! ano bang magandang gift sa dalawa na to? any suggestion?
sa hayskul kaya eh makaalala pa sila? (weeee emote)

pindutin ITO para sa tunay na larawan |
super proud tatay
graduation sa friday ng mga chikiting ko :D
si W lang naman ang salutatorian at si J naman, akala ko, most talkative lang, yun pala 3rd honor pa!! ano bang magandang gift sa dalawa na to? any suggestion?
sa hayskul kaya eh makaalala pa sila? (weeee emote)
Monday, March 21, 2011
masunurin much
checking of forms kami kanina kaya maghapong wala ang mga guro sa classroom. ewan ko ba kung bakit pinapasok pa ang mga bagets. kaya sabi ko sa grade one, kopyain na lang nila yung libro. back to back. charot.
ser: nasa office lang ako. walang tatayo, walang lalabas, walang mag-iingay. gawin niyo yung pinapagawa ko.
grade one: opo!!!
ser: joshua, maglista ka ng maingay at tayo nang tayo.
grade one: opo!!!!
pagkatapos ng 2 oras, bumalik ako sa classroom at nakita si jerome na basang basa ang shorts. nadiligan ang floor at tawa nang tawa ang walang hiyang si dugong. hindi lumabas ang masunuring si jerome para mag-CR dahil takot na malista.
ive-very good ko na sana si jerome sa obedience kaso ibabagsak ko naman siya sa cleanliness. di ko rin alam kung kanino mas takot si jerome, sakin ba o kay joshua? ang napagtanto ko lang. sa susunod, idadagdag ko ang
pwedeng mag-cr sa mga bilin ko.
p.s.
ang tawa nang tawa na si dugong ang pinaglimas ko ng di inaasahang madilaw na baha sa klasrum

it's a dog-eat-shit world
noli: kumakain kayo ng aso ser?
ser: hindi. bawal yun.
noli: buti naman po. kumakain kasi ng tae ang aso.
ser: hindi. bawal yun.
noli: buti naman po. kumakain kasi ng tae ang aso.
larawan from here |
Sunday, March 20, 2011
tiger mom
faye: (hinihipan ang tuhod)
ser: na ano yan?
faye: pinaluhod ako ni mommy sa matigas na kanin
ser: sa bigas.
faye: opo sa bigas. saka sa asin
ser: anong ginawa mong kasalanan?
faye naka 26/100 po kasi ako sa math
ser: na ano yan?
faye: pinaluhod ako ni mommy sa matigas na kanin
ser: sa bigas.
faye: opo sa bigas. saka sa asin
ser: anong ginawa mong kasalanan?
faye naka 26/100 po kasi ako sa math
larawan from here |
Saturday, March 19, 2011
power of words
ser: (nagsesermon)
jerome: ser, ser, ser, may susumbong po ako.
ser: later anak.
jerome: (kay noli) tinawag akong anak ni ser. (ngiting-ngiti) ikaw naman kumausap kay ser. subukan mo.
jerome: ser, ser, ser, may susumbong po ako.
ser: later anak.
jerome: (kay noli) tinawag akong anak ni ser. (ngiting-ngiti) ikaw naman kumausap kay ser. subukan mo.
pikshure from here |
Friday, March 18, 2011
nagbabato
umaga kahapon, may nakita akong malaking bato sa table ko pagpasok.
ser: ano to?
aldo: kay mark po, pinaglalaruan.
ser: ahh. so ikaw talaga ang nag-confiscate ano? o sige sakin muna to.
aldo: mahiwaga daw po yang bato.
ser: anong meron?
aldo: nakakabasag po yan ng ulo.
ser: try ko sayo aldo kung mahiwaga nga, gusto mo?

ang mahiwagang bato larawan from here |
Thursday, March 17, 2011
enhancing your vocabulary 3
shomani: is a series of water waves caused by the displacement of a large volume of a body of water, usually an ocean
ser, napanood nyo yung shomani sa japan?
ser, napanood nyo yung shomani sa japan?
Wednesday, March 16, 2011
enhancing your vocabulary 2
1. bagol gan: is a type of elastic chewing gum, designed to be blown out of the mouth as a bubble.
It is available in many different colors and flavors.
ser, may nagdikit po ng bagol gan sa pader. (bubble gum)
2.tangtaks: are short nail or pin with a circular, sometimes domed, head, used to fasten items such as documents to a wall or board for display. They are inserted and removed by hand.
Nataggal po yung tangtaks sa table.Baka po matapakan.(thumbtacks)
3.Nanihaga: enchanting, bewitching
Sabi ni Aldo, nanihaga yung bato.(mahiwaga)
Tuesday, March 15, 2011
enhancing your vocabulary
1. bako: also called a rear actor or back actor, is a piece of excavating equipment or digger consisting of a digging bucket on the end of a two-part articulated arm.
estudyante: ser, may bako malapit sa bahay namin.
ser: ingat ka sa paglakad.
2,Kren: is a type of machine used for lifting, generally equipped with a winder (also called a wire rope drum), wire ropes or chains and sheaves, that can be used both to lift and lower materials and to move them horizontally
estudyante: dun po yung bahay namin malapit sa kren.
ser: saan, sa tren? may tren ba dito sa dagat?
estudyante: sa kren po.
(crane)
estudyante: ser, may bako malapit sa bahay namin.
ser: ingat ka sa paglakad.
(backhoe)
2,Kren: is a type of machine used for lifting, generally equipped with a winder (also called a wire rope drum), wire ropes or chains and sheaves, that can be used both to lift and lower materials and to move them horizontally
estudyante: dun po yung bahay namin malapit sa kren.
ser: saan, sa tren? may tren ba dito sa dagat?
estudyante: sa kren po.
(crane)
Sunday, March 13, 2011
banal na banal na sunday post
dugong: ser ser ser! sabi po ni jerome puputulin niya titi ko!
mark: hindi po. sabi po ni jerome tatapyasan niya titi ni dugong.
mark: hindi po. sabi po ni jerome tatapyasan niya titi ni dugong.
Saturday, March 12, 2011
salamin salamin at si madam auring
napakahirap maghanap ng salamin!
nadala na kong pumunta sa optical shop/clinic sa tabi-tabi kasi una, madaling masira yung mga salamin nila; pangalawa, hindi accurate yung pag check sa grado; pangatlo, hindi rin naman ako nakakamura. kaya kahit medyo hassle sa layo eh pumupunta ko sa mga kilalang clinic.

ganito yung gusto ko. kaso nung nakita ko to last week, kulang pa ko sa budget. pagbalik ko kahapon, ayun, wala na.sabi nga ni poks nabroken-pekpek ang pakiramdam ko :'( |
gusto ko sana nito. for a change sa mga dark rimmed ko. kaso, dahil antukin ako, baka pagsandal ko eh mabiyakan siya ng hymen.sayang ang pera. |
kaya ganito na lang binili ko. masyado nga lang atang malaki. pag nakakita ako ulit nung nasa taas, pramis, di ko na siya palalagpasin! |
imbis na bumaba eh tumaas mula 200/175, ngayon eh 225/200 na. pak!
____
____
habang naghihintay magawa ang salamin, nakita ko sa mall si madam auring!!! tirik na tirk ang araw pero balot na balot ang lola mo. shet, sabi ko sa sarili ko. malapit na nga ang katapusan ng mundo. dapat kakain ako ng lunch kaso, naumay ako bigla.
Friday, March 11, 2011
mula sa pu__
na naman?
i-reremake naman ng abs ang mula sa puso na sumubok sa relasyon namin ni mudra. katapat kasi ng mula sa puso ang ghost fighter sa channel 7. ano naman ba kasi ang pakialam ko sa lovelife ni olivia at gabriel, ni magda at ni fernando at sa mala-pusang si selina.mabuti na lang at naka sampung ulit ata ang ghost fighter kasi laging hawak ni mudra ang remote.
kung ang ghost fighter may class A na halimaw, sa mula sa puso may tita selina. class A+ na halimaw si tita selina (parang grade sa card). pag nakaaway mo si tita selina, pasasabugin ka niya. habit niya yun. parang nung pinasabog ni tatay gary si mara. hindi rin siya basta basta nade-deads.nasunog ang muka, nahulog sa building.bongga! stunt woman?
dapat sabayan na ng gma ang craze
villa quintana 2011.
oha! panigurado kasi, pumalpak yung machete nila na ang kwento lang naman eh yung tungkol sa 6 na tinapay sa tiyan ni papa aljur abrenica.

Thursday, March 10, 2011
words of wisdom ng napaka-higpit kong principal
on teachers' welfare
mukang may sakit kayo. naku. magsi-absent na nga kayo pagkatapos ng National Achievement Test. wag lang sabay-sabay ah!
--
pwede kang mag-birthday leave, wag mo lang kakalimutan yung pa merienda!
--
(nung umabsent ako, tumawag ang lola mo sa phone)
principal: kumusta ba date mo?
ser: di po ako nakipag-date mam!
principal: o sige sige. kinukumusta ka lang namin. hoy vangie (co teacher ko) pano ba i-end yung call sa cellphone mo?
(so, ako na lng nagbaba)
____
on health
mam co-teacher: wag po natin munang ibenta yung mangga kasi baka sumakit tyan ng mga bata!
principal: hayaan mo na, vitamin C yun!
---
---
ser: mam, sabi sa office lakarin ko na raw po yung GSIS ko. half day po yun
principal: baka wala ka nang masakyang bangka sa tanghali, umabsent ka na ng buong araw.
ser: eh yung mga grade 1 ko po?
principal: papasukin mo, hayaan mong mag recess muna sila!
___
principal: napa-print mo na ba yung ipapasa sa district (take note: pang next year pa yun)
ser: hindi pa po.
principal: sasakalin kita!
--
(tinawagan ang dating teacher niya)
hello? helloo? bakit di ka na tumatawag? susuntukin kita!
___
on pregnancy
ganyan talagang magbuntis. hindi lahat ng pagsakit ng kiki eh ibig sabihin manganganak ka na.
___
on budgeting
(kasusweldo lang)
may sweldo na ba tayo para sa isang buwan?

naku yung baby natin gutom na. pakainin niyo na nga yan
(baby tawag niya sakin. shet. jowa?)
---
ser: mam, sabi sa office lakarin ko na raw po yung GSIS ko. half day po yun
principal: baka wala ka nang masakyang bangka sa tanghali, umabsent ka na ng buong araw.
ser: eh yung mga grade 1 ko po?
principal: papasukin mo, hayaan mong mag recess muna sila!
___
on peace
principal: napa-print mo na ba yung ipapasa sa district (take note: pang next year pa yun)
ser: hindi pa po.
principal: sasakalin kita!
--
(tinawagan ang dating teacher niya)
hello? helloo? bakit di ka na tumatawag? susuntukin kita!
___
on pregnancy
ganyan talagang magbuntis. hindi lahat ng pagsakit ng kiki eh ibig sabihin manganganak ka na.
___
on budgeting
(kasusweldo lang)
may sweldo na ba tayo para sa isang buwan?
Wednesday, March 9, 2011
ash wednesday
(nagpapanic)
"ser, nabubura na yung putik sa noo niyo!"
-eugene
(buti na lang hindi burak o jerbaks ng kalabaw)
---
"yung akin, cross. ano yung sayo?"
-Jc
(teka, baka heart yung akin?)
---
"ass wednesday po ba ngayon?"
-Jerome
(you bet)

disclaimer: hindi ko noo yan, mas mapalad yung akin hehe |
Tuesday, March 8, 2011
pa-involve lagi si papa jesus
suffocate
ser: hindi dapat sinusunog ang basura dahil nakasisira ito sa kalikasan.
dugong: aakyat po ang usok kila papa jesus sa langit.
(kailangang mag-gas mask ni papa jesus, mygawd)
_____
from a distance
faye: sabi po ng lola ko tinitignan daw tayo ni papa jesus tuwing gabi sa langit.
ser: tama yun
faye: lalo na raw yung makukulit.
ser: tinitignan ka pala nipapa jesus madalas anu?
faye: hindi ser, maraming pang makulit na bata kesa sakin!
(sabagay, mahihilo nga naman si papa jesus kung lahat ng makulit eh titignan niya, kaya pinipili lang niya yung pinaka-makulit!)
______
contagious
ser: wag kayong dumudura kung saan-saan
aldo: dadami ang germs!
ser: kakalat ang sakit :D
aldo: mahahawa niyo si papa jesus!
*lagay na yan eh wala pang religion subject ang public school.

Monday, March 7, 2011
bakit nga ba hindi?
ser, di ba pwedeng libre na lang lahat?
-JC
(tinda pa lang yan sa canteen. pano na lang paglaki ni Jc at nalaman niyang mahal ang bigas, ang mantika, ang tinapay, ang pamasahe, ang magpa-aral ng anak?)
------
santino
ganito ang ginagawa ng mga guro pag walang klase (o tumatakas sa klase at kay boss principal).
nagpipicture-picture sa library.at sa sobrang luma ng picture na yan. may jaw line pa ako at hindi pa ko mukang negritong balyena.

crossed processed ala the creative dork :D hayup mag-pose ang mga co-teachers ko anu? :) |
Sunday, March 6, 2011
sweet
ser, magpahinga ka na po. kanina pa po kayo maraming ginagawa. tatahimik na po kami.
-fredelito
--
ngayon alam ko na kung bakit na-inlove si faye kay fredelito.
-fredelito
--
ngayon alam ko na kung bakit na-inlove si faye kay fredelito.
Thursday, March 3, 2011
villain!
teray: ser, tanggalin mo nga po ulit salamin mo,
ser: (tinanggal)
teary: alam ko na kung sino yung kamukang artista mo po!
ser: sino na naman?
teray: yung laging kasama ng masasama
ser: (laging kasama ng masama? demonyo ba ito?) sino yun?
teray: kontrabida po...yung pumapatay po ata ng mgabida na inosenteng mababait?
---
paquito diaz ang unang pamagat ng post na to, eksaktong namatay na pala ang primero kontrabida ng pelikulang Pilipino
sumalangit nawa.

Wednesday, March 2, 2011
unang bugso sa marso
mula rito ang larawan |
binigyan kami ni madam principal ng lengua de gato. inalok ko si faye, fredelito at noli (sila lang kasi ang hindi umuuwi pag lunch)
noli: lasang gatas!
fredelito: sarap! gusto kong uminom ng milo
faye: pang-matanda. ser, pang may diabetes lang yan eh. jina-diabetes ka na ser?
___
doubt
ser: line up boys.
cj kay ken: lalaki ka ba eh bakla ka?
___
malaking pusod
faye: san po lumalabas yung baby?
ser: tanong mo sa mommy mo.
(kinabukasan)
faye:alam ko na ser kung saan! sa pusod po!
___
warm welcome
(may kumakatok na grade 4 sa pinto)
dugong: ser! ser! may negra po dun sa pinto!
Subscribe to:
Posts (Atom)