Saturday, November 20, 2010

gusto kong magdrowing

gusto kong magpalit ng header. pero dahil torn betwen two lovers ako ngayon. uunahin ko munang balutan ang lecheng lesson plan ko (na sa totoong buhay ay hindi naman talaga namin ginagamit)

_______________
(himasin para lumaki ang larawan)
an icon: a paragon (the Icons,June 2000)

practice makes better artworks

sampung taon na tong artwork ko na to. unang sabak sa pagdiydyaryo. akala ko pa nung una, watercolor ang ginamit nung teacher ko. biruin mo, may photoshop na pala nun :)

naka sampung pa-revise ata si father at ang adviser ko dito kasi malaki raw yung pisngi. gondong -gondo ko dito kaya di ko alam ang pinupunto nila. kala ko may lihim na galit lang sakin si father dahil hindi ako pumayag   sa gusto niya. joke!

 tama nga naman, parang may beke ang drawing ko nun!

sa mga gustong magdrowing-praktis lang ang katapat

balakubeck

maluwag pa sa panty ni mudra ang bagong skul ko (inangkin?) masaya. tingin ko mageenjoy ako. masakit sa bangs ang pamasahe pero anupa't isang araw na lang eh nasa the correspondents at i-witness na ang mga beauty namin.

na-enjoy ko ang unang tatlong araw. mas natuwa ako nang habang chinecheck ang birth cerificates ng mga bagong estudyante, nakita kong marvin agustin pala ang tatay ng isa sa kanila. ngayon alam ko na kung bakit nabuwag ang tambalan nila ni jolens. (buti na lang)

ser: ang galing mo namang magbasa noli! ilang taon ka na?
noli: 9 na po. ako na nga po ang pinaka matanda eh.
ser: hindi ah. mas matanda si jean.
noli. hindi po siya kabilang. autistic po siya.


at tama. may special nga akong pupil. wit ko knowings kung ano ang tamag tawag sa sakit nya. care ko.

____________
maraming dapat ipagpasalamat sa nakaraang tatlong araw.


every burden is a blessing 

Tuesday, November 16, 2010

ulit-ulit-ulit



dahil pinasaya nyo ako ng 1/4 kahapon :)

(sa mga makikinig: i-mute kung ayaw mapakinggan ang kanta ni lola carol. hehe)

Monday, November 15, 2010

my teacher's pet

gawa ata to ni chad.
my teacher's pet pala ang pangalan ng banda ng aking kaibigan na si jerbax na siya ring nagbigay ng adobe photoshop cs4 portable sa akin. hehehe mabuhay ka papa jesus :)

libre publicity yan ah.

next goal. adobe illustrator :)
________________

speaking of banda, sinubukan kong idrowing ang peyborit bokalista kong si papa miro valera ng stonefree. hangkyut.

ginawa kong pula buhok para mas maangas :D

sana ma release na ang 3rd album nila. haykentwait

Sunday, November 14, 2010

last sunday

trust
(not the condom)

nanay ni zsa zsa: ser, kumusta po ang test ni zsa zsa?
ser: naperfect po nya yung science at math
nanay:(kay zsa zsa) anak kanino ka nangopya?
_____________


last sunday


huling linggo ko na sa bahay ng mga magulang ko. wala na silang patabaing baboy bukas. kinakabahan ako. para kong nursery sa unang araw ng pagpasok. naiihi, natatae, naiiyak, (ayoko munang isipin yung bangka part) bukas ko pa lang din malalaman ang grade level assignment ko. lord, wag sanang lower elem harujosko.
wala akong mamomolestya sa grade 1. charot.

wala talagang umubrang photoshop sa lahat ng sinubukan kong pagdownloadan.
baka Pc ko(si nora)  na ang sira. fuck. eniwey, sa kapatid ko naman muna to iiwan.
mamimiss kita nora. huhuhu

Saturday, November 13, 2010

it's britney bitch

ser: pag naghugas kayo ng kamay, kantahin nyo yung "happy birthday" ng dalawang beses.
gelay: ser, pwede pong ibang kanta na lang?


* ano kayang gusto niya? i'm a slave for you?

_____________________________

ayaw mag launch ng photoshop. nagloloko na naman ang walangya. para daw siguro hindi ko siya ma-miss pag-uwi ko ng bulacan on monday :) wala naman pa naman akong installer dito.

sinubukan ko ang online PS kaso, basic lang ang ino-offer nila. soo sad.

Friday, November 12, 2010

makabayan


ser: sinong Pilipino? 
pupil: (nagtaas lahat ng kamay maliban sa isa)
ser: hindi ka ba Pilipino Boyet?
boyet: hindi po, Bulakenyo po ako.


____________


ilang araw nang tumataya si nanay sa lotto. dumadayo pa yun ng mall para aircon at kunti daw ang tao. sabi ko nga sa kanya, pag nanalo kami, kinabukasan dudukutin na kami.

pag nanalo si nanay ng 400 M, bibili ako ng yate para may sasakyan na ako papuntang school at ipapa-ban ko sa tv si jolina magdangal at marvin agustin. bwahaha joke.

ipapababa ko rin ang tumataas kong hairline at magpapagawa ako ng 12 packs abs (hanggang dibdib may abs). hahha sasabihin ko sa nanay ko na bilin niya ang kumpanyang gumagawa ng slenda.


*kaya sana lord manalo na kami, para naman sa ikabubuti ng sangkatauhan ang gagawin namin.(lalo na yung jolina, marvin part)

Thursday, November 11, 2010

notice to the pubic hair

nota ng guro

bilang pagsunod sa aking napakahusay at napaka-terror na editor-in-cheap nung college, ako'y nagpalit ng blog title. ang deep dark kamote kasi ay ginawa ko nung kasalukuyang ume-emote pa ako sa pagiging bum (kung nag- back read man kayo). pero dahil guro na ulit ako sa lunes, (yey, masaya na ang nanay ko!)eto na ang aking pamagat.

 patawad sa abala :) artista lang. charot!

mistaken identity 2

jobert sakal-dito
dino-drawing ko to kahapon ng maalala ko yung celebration namin ng living rosary last year. as usual, ako ang tag-gawa ng ipapaskil sa stage, so naisip kong idrawing ang walang bahid-dungis ng fez ni mama mary dahil nga living rosary (at inulit at inexpalin ko talga)

nang matapos ang aking obra, lumapit ang isa kong estudyante at sinabing

galing ni ser! si arnel pineda po ba yan?




__________________


speaking of dating school, tinawagan ako ng principal "nila" para mag-design ng pins para sa outreach program nila. (mabenta parin ang byuti ko) naisip ko tuloy, sana yung mga empleyado na lang nila ang tinutulungan nila kesa lumabas pa sila ng campus. hahaha ayan tuloy puro loans ang sang kaguruan. (peace lang) baka ipadakip nila ako eh.

gratis lang to for siyur kaya di ko na ineffortan. (excuse sa katamaran).

sana maabutan nila ko ng pins pag nagawa na. nakaahiya namn kasi ng kunti.

Wednesday, November 10, 2010

sariling award- teacher's pwet

*sa mag sinabihan ko na may award sila, hindi ito yun, yung post na nauna bago to yung tinutukoy ko...yung one lovely blog award yun :)  sige na, i claim mo na sa baba. yung cash prize bukas na.

________

hahah parang gusto ko ring gumawa ng award. inggitero kasi talaga ako sa totoong buhay. tapos ipapapasa ko sa 100 na katao. pak! effort.

kaso wala pa ata akong k (for kepay) para gumawa ng sariling award ngayon. kaya bukas ko na lang pamimigay. hehe emote!

mamimigay rin ako ng salapi. charot

siya nga pala, sa lunes, balik eskwela na ko. huhu. di ko tuloy alam kung mame-maintain ko pa tong blog ko araw-araw. alam nyo namang papalaot pa ko sa dagat ngayong turo ko. baka scheduled post na lang para masaya.

tas sa tuesday, walang pasok yehey!!!!

award award -kadenang award

machong award

maraming salamat kay ishmael para dito. katats sa bangs. heheh kailangan ko raw tong ipasa sa 15. dami-dami naman. ahhaha (binigyan na nga, tamad at reklamador pa) kaya eto (drum roll) ang aking pagbibigyan ng maskuladong maskuladong one lovely blog award..


(dahil matanda na ang iba dito, baka meron na sila neto) peace!.

  1. neneng kilabot ng bulalo crackers
  2. glentot ng  wicked mouth
  3. jepoy ng pluma ni jepoy
  4. piebuko ng life of an oregano addict
  5. will ng me likes art
  6. robbie ng the creative dork 
  7. ro-anne ng journey of the prodigal daughter
  8. moks ng mokong (anong nasa isip mo?)
  9. bobot ng blog ni bobot
  10. kamila ng kamilkshake
  11. rj ng kodakerodude
  12. leah  ng my tasty treasures
  13. adelic ng be adelic
  14. jam ng pulse rarely beating
  15. cindy ng i am a kite
eto yung rules:

1.Accept the award. Post it on your blog with the name of the person who has granted the award and his or her blog link.

2. Pay it forward to 15 other bloggers that you have newly discovered
(pasensya na kung hindi newly discovered yung lalagay ko)

3. Contact those blog owners and let them know they’ve been chosen.(mamaya ko na kayo kokontakin)  tinatamad pa ako eh

_____________

salamat sa pagsunod. :)))))))
  •  drei
  • yj
  • charm
  • markus
  • emmanleigh
  • kulet
  • krizia
  • orally
  • zeb
  • katiee
  • Ghouly Ghoust
  • renz
  • ÊŽonqʎʇıɔ
  • renz
  • superjaid
  • Couch Kneazle
  • ayie
  • xander
  • preciousjoyluv
  • kad lester
  • tricia enrico


_____________

oi wilfredo! bow na ko sa husay mong magstalk hahaha




slow learner much

sagot: mabilis (tinuro ko talaga, parang tutorial lang)

ser: nasaan ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap na Mabilis tumakbo si Pepe?
boy: (confident) tumakbo!
ser: sigurado ka na ba?
boy: wait ser, uhhmmm..pepe?
ser: (inis) sinong pwedeng tumulong kay (shushunga-shungang) klasmeyt!?
boy: alam ko na, alam ko na... si!

sabi nga ng matatanda, walang taong bobo, tamad lang.parang nakakahiya naman sa tamad.
__________________________________

dyaran! ang pangalawang artwork ko gamit ang calligraphy pen

zuko and katara

isang malaking dissapointment man ang pelikulang last airbender, wapak na wapak parin naman para sa akin ang animated series nitong avatar: the legend of aang.sayang. maganda pa naman sana ang effects. 

pero much better sa putangnang dragon ball. (ay nagreview?)

Tuesday, November 9, 2010

calligraphy pen


dahil inutusan ko ang nanay ko na bumili ng artline calligraphy pen 3.0, (ansamang anak), eh naexcite ako nang todo-todo at wala akong inatupag kundi magdrawing buong gabi. :) scheduled post ko na lang siguro para masaya. sayang naman kasi kung popost ko lahat ngayon. dapat medyo bitin para masakit sa puson.

dahil nga nanay ko ang pinabili ko. asa naman akong may sukli pa ang isandaan ko. tsk.

ang calligraphy pen na di ko ginagamit sa calligraphy. in case of absence, gusto ko rin yung uni pin.
at si betty suarez nga ang unang naisip kong idrowing  :) ganda nya kasi.
medyo di masyadong malinis kasi nga wala kaming scanner. sorry naman. poorita lang

balak ko sanang gayahin ang halimaw na si robbie sa kanyang project 365 kung saan gagawa ka ng artwork araw-araw sa loob ng isang taon kaso minsan tamad ako.

halimaw yang si robbie. puntahan nyo. siyet, nakakapanliit ng balls sa husay :)

___________________________

happy birthday sa pinakapaborito at pinaka-gwapo kong kuya. (nag-iisa ka lang naman kasi tatatlo tayo). bawas-bawasan mo na ang pagiging kuripot at pag-aandropause.
siyet. virgin na virgin

Monday, November 8, 2010

may pakpak ang balita, may tenga ang daga

madadala na yan. pag nalaman ng iba na may nahuli, di na tayo dadagain.-mudra
nahuli na ang dagang jumejerjer sa aming kusina-gamit ang high tech rat glue syempre. nakakdiri kasi pag mouse trap at siyempre syempre marimar umaasa ang nanay ko na magpapasalin-salin ang balita sa buong daga world na ang pamilya ko ay notorious mouse hunters kaya mula sa araw na to, wala ng daga ang magtatangkang looban ang aming kusina. haha asa.

_______________________________


pakicheck ang mga naputoshop kong artworks sa taas. ayun. gumagana yun. pramis.

Sunday, November 7, 2010

teacher bear


korean pupil: teacher bear, teacher bear, ano taka-log ng bear?
sir mots: oso
korean pupil: teacher bear muka kang oso. 


redundant si neng. hindi naman ako nainis. mas nainis ako sa amoy ng hininga nya. shet. amoy panis na laway na binuro in 3 days. (dahil nasa korea ka na. pwede ko na tong ipublish) ahhaha

Saturday, November 6, 2010

p.s

salamat  ro anne sa matamis na pag-feature sa aking dilaw na blog. siyet. sarap!

haym not worthy!!! (arte lang)

salamat. ngayong gabi ko lang nabasa. patawad. lakwatsero kasi ako.

sa huling tanong mo. binata ako na may 40+ na anak sa iba't ibang babae. pwede na ba yun?

salamat salamat.

salamat!!!!!

salamat glentot sa bonggang bonggang blogger of the millenium na yan. mas mahal na kita kesa kay jepoy. jk lang. mas mahal ko parin ang sarili ko. narcissistic pala ang pota! dahil sa ginawa mong yan, marami tuloy ang nagpapagawa ng drawing. de, salamat salamat talaga

gayundin sa the philippine guild sa patuloy na pag feature. naks.



at sa mga nagpapagawa ng artworks, ipagpaumanhin ninyo kung di ko kayo mapagbibigyan sa ngayon. busy ako. charoooot! tinatamad kasi ako. wala naman kayong pinapadalang pera kaya di ako namomotivate. haha parang klase lang yan, dapat pagkatapos ng prayer, motivation agad.  yun eh.


at sa100 + na nauto ko,(at nauto ni glen)  maraming maraming salamuch! ay kalantod lang.
  1. mots (sarili ko unang nagfollow)
  2. chino (ang unang follower ko)
  3. mark joel
  4. kamila
  5. piebuko
  6. yeds
  7. cindy
  8. adelic
  9. ava
  10. rj
  11. angel
  12. baby fats
  13. eg
  14. carlo lopez
  15. ap.ple
  16. mad dino
  17. dawo
  18. jill
  19. chinggoy
  20. marc
  21. ambo
  22. arjee
  23. miguel
  24. wonderbrit
  25. say g'day
  26. jill galario
  27. joe
  28. neneng
  29. gograbme
  30. bobot
  31. green 2
  32. blogs ng pinoy
  33. billy
  34. diamante
  35. leah
  36. kiko
  37. auditor
  38. jaz
  39. glad
  40. eurekka
  41. louis
  42. will
  43. louie
  44. mokong
  45. kat
  46. mapait matamis
  47. flo
  48. jepoy
  49. moks
  50. meldrick
  51. vin
  52. itsyaboykorki
  53. keantondrunk
  54. bieberlake
  55. jam
  56. earl
  57. jonniembus
  58. claire
  59. ahmer
  60. glentot
  61. ashaman
  62. alvin
  63. xprosaic
  64. artiemous
  65. gillboard
  66. marco paolo
  67. utoy
  68. ro anne
  69. poor price
  70. tim
  71. bloiggster
  72. maginoong bulakenyo
  73. raaaa
  74. tres
  75. vince
  76. sikoletlover
  77. carlo
  78. cens
  79. caloy
  80. mutya
  81. jag
  82. keso
  83. ryan
  84. ronnie
  85. emotera
  86. batang gala
  87. kuri
  88. pau
  89. khantotantra
  90. dhang
  91. akhet
  92. hondafanboi
  93. pearl
  94. axl
  95. jop
  96. renz
  97. 2ngawzki
  98. mai nipin
  99. asiong
  100. mjomesa
  101. ako si yow
  102. andy
  103. jose
  104. alexandra
  105. ahpolz
  106. king
  107. gasoline dude
  108. chellee
_____
sa mga walang account pero nagbabasa
  1. algene
  2. ammarie
  3. pare
  4. alena
  5. ren
  6. mei
  7. maldito
sa mga ka-exchage links sa wordpres. 

di pa ko mamamatay. nasa mood lang akong magpasalamuch :) siyet. sana wala akong na-miss. tumatanda na kasi ako


higit sa lahat sa pinaghuhugutan ko ng kwento. 

haba na neto. parang acceptance speech lang :)

Friday, November 5, 2010

don't touch my birdie

tatay! may apo na kayo!


nakakita ng baby bird ang mga anak ko sa pagkabinata.

nilagay sa takip ng kahon. ihiniga sa kulay blue na yarn, pinakain ng kanin at kropek, nagphotoshoot at kinuyog

di pa man natatapos ang araw, kinuha na ni lord ang kawawang ibon
--ang bagong anak ng aking mga anak. ang aking apo.






moral of the story: wag basta basta hahawak ng ibon. lalo na yung nasa loob ng brief

_________________________



happy bortdei pare! pag di mo kami nabusog mamaya, ipapalaman ko si panget sa siopao :)

sana tubuan ka na ng boobs ngayong taon. hayaan mo, papakulam natin yang mga co teachers mo sa ____ ahaha siyempre bawal sabihin. baka ipapatay ka pa nila.


Thursday, November 4, 2010

perks of teaching

mainit na mainit ang ulo ko nun. siguro nireregla ako. daming paper works, lesson plan, grades, test paper at lahat ng problema sa mundo inintindi ko na, ate charo.

wala ako sa mood hanggang pagpasok ko sa school. wala akong ganang magturo. pag-akyat ko sa 3rd floor, narinig ko ang pinakamakulit kong estudyante. lumabas pa ng classroom at tinawag ako sa corridor para sabihing

good morning tatay!

may magagawa pa ba ako kundi maging masaya maghapon? :) madali lang akong pasayahin. pramis.

Wednesday, November 3, 2010

fish out of school

nahuhuli ang isda sa sariling bibig

ser             : bakit ka na naman absent?
boy             ehh...uhh..may sakit po ako eh.
ser              : excuse letter mo?
boy             : wala po eh.
classmates : *nangapa lang po yan sa palaisdaan kaya umabsent!
boy             : hindi po ser!

ser              : totoo ba?

boy             : hindi po.. may sakit po talaga ako.

ser              : ano nahuli mo?

boy             : ...tilapia po.






*nangangapa- naghuhili ng isda o sugpo sa pinatuyong palaisdaan (sana tama ang pagkaka-define ko)

Tuesday, November 2, 2010

parang kinder

nag-grocery kami ni mudra nung isang araw bago mag-undas. punung-puno. akala mo bukas end of the world na at magpapaka-busog na ang sambayanang laging gutom (wow, pa-deep). amoy paksiw sa loob, amoy tinapay, amoy sinigang sa bayabas. sumususnod lang ako sa nanay ko habang nagsisisksikan. kamukat mukat ba namang sinabi to (in  loud speaker mode)

"pot kapit ka sakin, baka mawala ka!"

tinginan ang madla. muka ba kong kinder inay? namula tuloy ang itlog ko sa hiya.

siguro nga, baby fez ako. ching lang. minsan hindi maka-get over ang mga nanay na lumalaki na ang anak nila (na kahit sa lagay ko eh ako pa ang mas malaki sa kanya ngayon)

Monday, November 1, 2010

hapi undas

happy undas! happy bertdey din sa nanay ng aking co-teacher na si mommy angelica na pinaglihi sa puntod at amoy ng kandila :) dalaga ka na mommy!

'wag kalimutang magdala ng armas at alak para deretso kalaboso. wag ding iiwan ang pangkutkot ng kandila para madaling maka-ipon para bilugin. lagyan ng bato sa loob para mas mabigat, mas mahal ang benta.

tignan ang daraanan. baka putod na pala ng kapitbahay ang natatapakan mo. kaw rin sige. magsuot ng malamig sa mata. mainit sigurado maghapon. tulad ng neon green, orange, pink at black. hahaha

bantayan di ang kapatid, baka nasusunog na ang buhok. magdala ng pangkulot, pang-manicure at pang massage.

magload, magcharge.magdownload ng sandamukal na kanta. kitikitext tayo.magdala ng pera. maraming tinda sa pantyon. dun ako amamimili ng pamasko.

magbaon ng sandamakmak na tsibog, balloons at parhey hat. parthey parthey na! :)

at magdasal (habang nakikipagchikahan) multi tasking ang labanan.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...