Tuesday, November 2, 2010

parang kinder

nag-grocery kami ni mudra nung isang araw bago mag-undas. punung-puno. akala mo bukas end of the world na at magpapaka-busog na ang sambayanang laging gutom (wow, pa-deep). amoy paksiw sa loob, amoy tinapay, amoy sinigang sa bayabas. sumususnod lang ako sa nanay ko habang nagsisisksikan. kamukat mukat ba namang sinabi to (in  loud speaker mode)

"pot kapit ka sakin, baka mawala ka!"

tinginan ang madla. muka ba kong kinder inay? namula tuloy ang itlog ko sa hiya.

siguro nga, baby fez ako. ching lang. minsan hindi maka-get over ang mga nanay na lumalaki na ang anak nila (na kahit sa lagay ko eh ako pa ang mas malaki sa kanya ngayon)

18 comments:

  1. hahaha... weee... tindi ng hirit ni mudra parang wala lang ang madla... mapakashow-off sa caring...

    ReplyDelete
  2. Minsan talaga'y nasanay na ang mga Ina sa mga usual nilang linya noong tayo ay bata pa, kaya siguro niya nasabi na kumapit ka sa kanya.

    Marami pang mga linya ang posibleng nakasanayan nila, kagaya ng:

    "Gabi na, matulog na."
    "Wag ka magpapawis masyado."

    at marami pang iba.

    Parang adik lang ako no?

    ReplyDelete
  3. kapit ka daw kasi baka ano ano pa ituro mo at ipabili. hehehe :P

    ReplyDelete
  4. gaano ba kalaki ang grocery? at pinakapit ka pa! :)

    ReplyDelete
  5. hahaha, very protective si mudra.

    P.S.

    danda ng mga artworks mo. pede b magpagawa? heheh.

    ReplyDelete
  6. Ganyan talaga par ang mga nanay, lalo na kung ikaw ang favorite nya..ganyan din kasi nanay ko..kahit na may asawa na ko...

    ReplyDelete
  7. Tama ka... minsan pa nga bini-baby pa... hehehe

    ReplyDelete
  8. ang kyot ng mini mots in cartoons. Galeng! Cheers!

    Ganun talaga ang mga mudrakels natin, lagi tayong baby sa paningin nila hihihi

    ReplyDelete
  9. Baby pa kasi. :D Laughtrip. HAHAHA! Ang sweet naman ng nanay mo Sir. :)

    ReplyDelete
  10. salamat sa mga kumentong kaytatamis.

    gaun nga talga ang mga mudra. minsan halimaw, minsan power puff

    ReplyDelete
  11. hahah kakatuwa mom mo...salamat sa add parekoy! add din kita...

    ReplyDelete
  12. sweet naman ng mom mo hehe...

    gawa mo rin ako ng header LOL!

    ReplyDelete
  13. lol kwela nmn nu hahahhaha
    loves na loves ka lng ni mother mo

    ReplyDelete
  14. ang cute ng bahay moooooooooooo. pagawa din ng header hahaha. gaya gaya lang. haha.


    naalala ko bgla nanay ko ganyan na ganyan din. :DD

    ReplyDelete
  15. naku...yung header na yan eh mukang malabo pa sa ngayon.. hahaha pagdating ko na ng 60 ahahaha

    ReplyDelete
  16. "minsan hindi maka-get over ang mga nanay na lumalaki na ang anak nila"
    -totoo! i sooo agree to this. ako nga pag papasok na sa work, maririnig ko nanay ko sisigaw "anak yung id mo? may panyo ka na? wala ka na naiwan?" hehe ^_^

    ReplyDelete
  17. Talaga lang ha si nanay. Itext ka niya kapag mawala ka. Pano na lang yan kapag mag asawa ka na. char!

    ReplyDelete
  18. @carlo: pareho tayo
    @red:hintayin na lang niya apo niya

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...