Saturday, December 11, 2010

tshirt, klasrum, atbp.


balak kong mag-design ng t-shirt para sa pasko. pag tinamad ako, eto na lang mismo ang ipapa-print ko. . wala lang. kesa bumili ng bago, ako gagawa ng sarili kong designs. tapos bebenta ko ng mahal. para may pandagdag ako sa mga binebenta kong tocino, longganisa, bond paper at lapis sa klasrum.charot.

sana..sana..ako na lang ang gawin mong papa.. ay mali. sana. sana sipagin ako.
_____________

as usual, walang konek ang intro ko sa mga susunod nyong mababasa.

maling banat
noli: sir di ba 40 ka na?
faye: 37 kaya!
(alam ko muka na talaga kong matanda)

breakfast
sir: sino dito ang hindi nag-aagahan?
jr: ako po nag-agahan kagabi!

integration of science and english
sir: bago maging butterfly, ito muna ay isang?
nico: cater-plural
mark: cater-filler!   

verbs
joshua: birds are action words! 


poor sir
faye: pinadalan po kayo ni mama ng sugpo, sabi ko po kasi wala koyong ulam pag lunch.


susyal
sir: dito sa klasrum, isang pamilya tayo. kayo ay..
class: magkakapatid!
sir: at ako naman ang inyong...
class: daddy!
(sa private school, tatay ako, dito pala daddy)
______________

ispesyal thanks kay glentot sa kanyang fb post :) at kay fumbled apple dahil nainspire ako ng kulay ng blog nya. pagaya ah

42 comments:

  1. paambon naman ng tshirt na yan.. hehe

    me estudyante ka pala ser na kapangalan ko na makulit at makulit..hehe

    ReplyDelete
  2. favorite ko yung birds are action words... hahahaha. ansayang makarinig ng mga ganun sa mga bata.

    ReplyDelete
  3. Hangsweet ni faye, binigyan ka ng ulam ng nanay niya. Ayiiii.

    Dahil sa sabi mong mukha ka nang matanda, inistalk na naman kita. Clap! Clap! You've gain weight, Ser Mots. Hahahaha. peace!

    ReplyDelete
  4. ...si joshua...parang nakakatuwa syang bata no?...hehehe

    ReplyDelete
  5. neneng: uhh. joshua ba pangalan mo? hahaha ayeee faye ka pala ah girl na girl!

    khantotantra: true!

    will: nahiya naman ako bogla sa prof pic ko

    jobo: makuyit si joshua!

    ReplyDelete
  6. Hala, Ser Mots, joke lang yun. Wagka magalit. huhuhhuhuh.

    ReplyDelete
  7. napakabait na bata, at talagang ibinuko na wala kayong ulam pag lunch hahahahah at least may binigay sayo :)

    ReplyDelete
  8. Palaging maganda ang banat ng mga estudyante. Pakitanong kung ano ang iniinom nila.

    Maganda mga artworks. Kakainggit.

    ReplyDelete
  9. haha, ang sweet naman may sugpo pa. at daddy pa tawag sayo. sosyal nga! haha

    ReplyDelete
  10. will: labas ng klasrum hehe de, eto naman. kakakain ng seafood yan

    @klet: haha adik naman yung batang yun. di lang talaga ako nag lunch

    redlan: tubig dagat?

    quest: tomo! susyal nga!

    ReplyDelete
  11. hahaha.. katuwa namana ng cater-plural at cater-filler na yan.. lol

    juicekodai

    ReplyDelete
  12. natatawa ako sa birds are action words. haha
    nakakatawa talaga makipagusap sa mga bata :]

    ReplyDelete
  13. Aba! Sugpo pa talaga ang pinadala. sarap!!!

    natawa ako sa birds is an action word.

    Hahaha!

    kapag blogger ang bibili ng tshirt sayo dapat mura lang o kaya libre. hehehe

    ReplyDelete
  14. lol, tumpak ang sagot. not to mention sa island ka nagtuturo. kulet ni sir

    ReplyDelete
  15. naalala ko nga yung kapatid ko sa kanya (joshua)...pero hindi dahil sa isyu nang maliit na pototoy...at hindi talaga ako nakaget over dun sa kwentong yun heheheh

    ReplyDelete
  16. o diba at least sa mga bata nag level up ang tawag sayo.sosyal.

    ReplyDelete
  17. hahaha sir pabili ng tshirt...wahehehe... pakilista nalang.. hahaha.. o diba mas sosyal talaga ang mga public kids.. weee mabuhay kami public kids.. wahehehe

    ReplyDelete
  18. hahaha sir pabili ng tshirt...wahehehe... pakilista nalang.. hahaha.. o diba mas sosyal talaga ang mga public kids.. weee mabuhay kami public kids.. wahehehe

    ReplyDelete
  19. Waaahhh!! Birds are action words! Linya ko rin yan dati eh. hahaha....

    Hangswit naman ni Faye. As in, nagdala talaga ng sugpo for you.. Naks!

    ReplyDelete
  20. saucy naman. daddy mots ka pala fan sa classrum. hehe :)

    ReplyDelete
  21. ang mga bata talaga hindi marunong magsinungaling ^_^

    hindi hipon ha. sugpo!

    ReplyDelete
  22. nice blog teacher's pwet hihi!

    ang ganda ng mga pics.

    kaya ikaw ay aking susubaybayan mula ngayon :)

    ReplyDelete
  23. Huwaw naman! daddy na oh level up na! at dahil daddy na nga may kasama pang sugpo! hehehehehhe... birds are action words talaga?! ahahahahahhaha... galing! kakatuwa sila!

    wv: ovhvar -. honglondee... pwede namang over lang... lol

    ReplyDelete
  24. awww! Daddy!


    hahaha, makiki-daddy na lang din ako like your istudyantes, hehe


    :D

    ReplyDelete
  25. nakakamiss ang mga post mo! haha oh diba sosyal sila ng bongga! hahha :p DADDY hindi TATAY :D pero ako ang tawag ko sayo...PAPA hahaha :D

    ReplyDelete
  26. Ikaw ba iyan? Hehehe.

    Ang liit ng mundo. =)

    ReplyDelete
  27. You're always welcome motsmots hahaha birds are action words classic yan!!!

    Naisip ko tuloy, ganun din ba ako nung Grade 1 ako? Hahaha...

    Bibili akong T-shirt!!! basta free shipping ah!!! Gusto ko culor vlack

    ReplyDelete
  28. penge naman ng tshirt! yan na ang pang famas ko. famasko. hehee...

    ReplyDelete
  29. daddy pala kayo sa public school. :)
    ganda ng bagong itsura ng blog nyo sir! :)

    ReplyDelete
  30. Andito na ulit ako..penge ding ak0ng t.sert tady m0tz=)

    ReplyDelete
  31. mas sosyal pla ung mga estudyante sa public, balak pa ata sumipsip nung nagbigay ng sugpo hehe..

    ReplyDelete
  32. hahaha... sorry naman cater-plural...
    ehem... ang regalo ko sa pasko teacher!! sana di mo kalimutan... hahahahah :)

    ReplyDelete
  33. "pinadalan po kayo ni mama ng sugpo, sabi ko po kasi wala koyong ulam pag lunch."

    kulit. haha!

    ReplyDelete
  34. breakfast
    sir: sino dito ang hindi nag-aagahan?
    jr: ako po nag-agahan kagabi!
    << ang kulit ng banat ng bata ba.,..

    verbs
    joshua: birds are action words!
    <<< lol trip ba hehhe :D

    ReplyDelete
  35. sir okay yung theme mo ngayon. mas ok kasi malinis then pop-out tkga yung colors ng mga drawings mo.

    kano shirt?

    ReplyDelete
  36. bigla naman akong natawa sa sugpo ni faye... mukhang binulungan mo siya na wala kang ulam pag lunch :D

    ReplyDelete
  37. wawang tekser walang ulam..susyal at sugpo talaga! ahahaha

    ReplyDelete
  38. Kuya Mots kumuha ka na ng domain... habang free pa ang www.teacherspwet.com

    ReplyDelete
  39. sir napadaan.. tshirt naman dyan ahahaha... keep it up..

    ReplyDelete
  40. hello! nai-post ko na po ang blog nyo sa listing at rinemove ko po yung deep dark camote.

    ty!

    ReplyDelete
  41. Sir Mots!

    Naisipan niyo na bang sumali sa Ang InK (Ang Ilustrador ng Kabataan)?

    feeling ko pwedeng pwedeng kayo dun. =)

    ReplyDelete
  42. kakatuwa tong post na... to... lalo na yung nag-agahan kagabi... ang lufet non!!!

    kakatuwa kasi daddyng daddy ka sa mga estudyante mo.. how sweet!!!!

    tama naman na verb ang birds... In green dictionary nga lang joke! :D

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...