Wednesday, December 15, 2010

merry na christmas pa!

maligayang pasko sa lahat!
(parang solicitation letter lang)

napreysyur naman ako sa dami ng views at comments ng last post. kailngan ko na namang mag-effort ngayon.

charing!

oo nga pala, biro lang yung magebenta ng shirt. gagawa lang ako para sa sarili ko at sa ka-exchange gift ko. wala pa kong panahon at sipag magnegosyo. magreresign muna ko sa pagiging guro pag nagkataon o kaya isususlong ko ang pagtatanggal ng lesson plan sa buhay namin.

dear robbie, (wow, special mention), mga 3 years na ata akong nagbabalak sumali sa ang Ink. last year ang pinakamasaklap. 1 week before the deadline ko nabasa yung kwentong gagawaan ng illustration. amp.

_________

brush brush brush, 3 tiimes a day
joshua: sir. nagtotoothbrush po kayo?
(nawindang ako at naconscious sa naninilaw at sungki-sungki kong ngipin)
sir: bakit?
joshua: ako po kasi, hindi.


walang laba-laba
sir: wag nyo nang uulitin ang damit na nasuot niyo na kung di pa ito nalalabhan.
grade 1: opo!
(naka-pink ako kahapon at naka-blue ako ngayon)
sir: tignan niyo ko. anong suot ko ngayon?
grade 1: blue po!
sir: ano naman ang suot ko kahapon? 
grade 1:grade 1: blue din po!


tomorrow
(biglang nagkaroon ng meeting)
sir: bukas ko na checheck ang assignment
grade 1: opo!
sir: bukas na rin pala tayo mag-practice ng sa christmas presentation
grade 1: opo!
jc: eh ser, bukas na lang din po kaya tayo umuwi?

tardiness
"good morning ____, next time, don't be late" (sinasabi pag may late na dumating sa klase)

dumating si principal para mag-check ng lesson plan.

Grade 1: good morning mam perez! next time, don't be late...

bieber fever
sir: anong title ng sayaw nyo?
cj: baby, baby, baby ohhh po.

finish
sir: sinong hindi pa tapos magsulat?
eugene: sir ako...tapos na!
sir: yung tapos na sabi ko.
jerome: sir ako rin, tapos na.

mindanao
sir: sino na ang nakaratng na sa mindanao?
jr: ako po!
sir: kailan?
jr: bukas po!


______________


wala na kong mapigang kwento. last na muna yang kwentong klasrum para sa december. bakasyon na kasi! weeee!

32 comments:

  1. Woohoo, bakasyon na, so marami ka na uli posts. Nga pala, nabalitaan mong nanalo si Robbie sa Philippine Blog Awards??

    ReplyDelete
  2. maligayang pasko ser mots.. ^__^

    kakaiba talga pag bata ang bumanat ng puch line, ang inocent at kakatawa talga.. hahaha


    merry christmas ulit...
    (regalo ko ser?? hehe ^_^)

    ReplyDelete
  3. hahaha.. ang saya lang... sayang talaga ang tshirt..wahehehe

    ReplyDelete
  4. ang kukuleeeet! meri krismas mots!

    ReplyDelete
  5. ahahaha para akong tanga sa pagtawa!

    ReplyDelete
  6. merry xmas sir mots! hintay ko nrin bakasyon..

    ReplyDelete
  7. Nice!!! nakakatawa naman!!!

    add ko kayo sir!!!

    ReplyDelete
  8. late ang principal... tsk. tsk. wahahah. ang-kyu-kyu-lit :p

    ReplyDelete
  9. eh tanong ka pa po kasi ng tanong kung sino di pa tapos magsulat, eh tapos na nga sila!!! hahahaha

    ReplyDelete
  10. weeee, bakasyon na!!! ano natnggap mong xmas gift?

    ReplyDelete
  11. yun o! dami ng fans :D

    ang kukulit talaga ng mga students mo. parang nakakakulot ng buhok :P

    merry christmas sir mot-mot!

    ReplyDelete
  12. oo nga naman pwede naman kasing bukas siya makarating sa mindanao. to naman. benefit of the doubt. hahaha. :) i soo love this blog. :)

    ReplyDelete
  13. Your students are funny!!! Makes me like kids, a bit.. hahaha.. =)

    ReplyDelete
  14. ayan bakasyon na..malamang sunod sunod na naman ang art illustration mo sir...yahoo!

    ReplyDelete
  15. guest book? meron ka? panalo site mo men! following beep beep beep!

    ReplyDelete
  16. nice ang mga sagot ng bata. manag mana ata sayo. hehehe :D

    pinakapaborito ko to "jc: eh ser, bukas na lang din po kaya tayo umuwi?" hahah

    ReplyDelete
  17. panalo ang tardiness..

    pressured si teacher.... hhaha dame mo fans eh..

    ReplyDelete
  18. woo vacation! woot! woot!

    ReplyDelete
  19. jc: eh ser, bukas na lang din po kaya tayo umuwi? <<< banat kung banat ha hehe.. :D

    Grade 1: good morning mam perez! next time, don't be late... << whahahaha lol trip :D

    skit ng tyan ko sa kakatawa whahah :D

    ReplyDelete
  20. nakakatawa ang banat ng mga bata. kaw na ang next bob ong. sir san ka magbabakasyon?

    ReplyDelete
  21. kakalerki mga estudyante mo... panalon panalo... siguro nawindang si principal dahil LATE siya.... tas ang galing nung isang estudyante na predict niya na nakarating na siya ng mindanao...

    ang lufet talaga!!! kakuuullleeettt....

    MEWI ISHMAX SER MOTS!!!!

    ReplyDelete
  22. May kapangalan ako. AKala ko tuloy na banggit ako bigla dito. Baka titser pala kita. Haha.

    ReplyDelete
  23. Happy Holidays Sir Mots! Nakapunta na rin po ako ng Mindanao bukas. =)) Inquire ko lang po pala kung anong gamit mong program to do you artworks po. :D

    ReplyDelete
  24. Robbie? Siya ata yong nakasama ko sa outreach sa bulacan kung hindi ako nagkakamali. :)


    blue din po.... hahaha

    ReplyDelete
  25. weeeee.. bakasyon na namana.. parehas tayo sir.. bumili lang ako ng 100 pesos na t-shirt at ako na magpiprint para sa tshirt para sa sarili ko.. hahaha...

    ReplyDelete
  26. wow, ma pagbakasyon? anyway, enjoy the vacation, aabangan namin ulit mga post mo next year :D
    merry xmas and happy new year :D

    ReplyDelete
  27. wow! bakasyon bakasyon na lang oh... hehehehehehehe... Merry Christmas! hehehehehehe

    ReplyDelete
  28. Namamasko po! pwede na saken ang header.. hahaha

    Ser ser, alam nyo po yan yung pink/peach na background nyo daw ang color of the year for 2011. honeysuckle daw.

    ayun lang. Merry Christmas! soon magpost din ako ng kwentong classroom. :D

    ReplyDelete
  29. Enjoy the bakasyon sir! Bakasyon na rin dito sa bahay!

    ReplyDelete
  30. At least honest si Joshua.. Merry Christmas din Ser Mots.

    ReplyDelete
  31. aw.. ngayon ko lng to nabasa.. kaya ayokong nasasapian e..

    hahah.. kulet tlaga.. at gaya ng dati napatawa na naman ako ng mga lovely students mo ser.. merry xmas :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...