tinanong ako ng Adarna house kung gusto ko raw bang gumawa ng artwork para sa kwento ni Ibrahim-isang batang muslim. Sobrang excited ako! feeling ko eto na talaga yun! ang unang Children's book ko! sabi ko bago ko maging 30 years old dapat makagawa ako ng isang children's book.
October 7 tinanong ulit sakin ng Adarna House kung Interesado daw ba akong gumawa ng isa pang sample artwork for kidtesting ng sang libro ito para sa intermediate readers tungkol sa isang batang nag-aambisyong maging katulad ni Andres Bonifacio. siyempre go na go ako ano? pakipot pa ba ako? hihih shet 2 books!
at lumabas ang resulta: hindi ako nakuha sa Ibrahim :( pero nakuha ako sa Supremo! oha!
sobrang na-enjoy ko ang paggawa ng Supremo. Una, dahil teacher din ako ng grade 5 at 6 kaya nung binabasa ko to, feeling ko mga estudyante ko rin sila mismo :) pero ang totoo estudyante sila nung author na teacher din si Xi Zuq.
natutuwa rin ako sa Adarna House kasi malaya kong nagawa yung mga naisip ko sa book. may comics, may full color na pages, may parang doodles lang. tuwing tinitignan ko nga to, kinikilig ako! haha labor of love talaga. Siguro dahil unang librong pambata ko to kaya sobrang proud ako sa Supremo at napaganda talaga ng kwento! hihi (shameless promotion)
at san pa ba mauuwi tong post ko kundi sa..
o hala, bili na kayo! 200 Php lang sa mga bookstores! haha
-------------------
in other news, nameet ko ang sikat na googly gooeys. nagpagawa sila ng clay version ng comics nila sa blog. napressure ako nang bongga pero nung nakita ko na natuwa sila, promise nasulit lahat ng pagod! at sobrang nice nila! happy 5th birthday!!! wooohooo
----------------------------
mahabang kwento kung bakit ako na-feature para month ng May sa Philippine Daily Inquirer comics pero isang tao ang naging tulay nito. si Albert ng Crazy Jhenny! maraming salamat boss! at siyempre na dahil din sa athearts dahil dun ko nakilala si albert :D
grabe! kung may isa kong pinakamatagal na pangarap bukod sa pumayat eh eto na yun. wala nga siya sa plano kasi feeling ko imposible na eh hahah pero the universe conspires!!! woohooo ulit
-----
sumali rin ako sa PBBY Alcala prize. hehe pero pak na pak ang mga sumali! walang laban! hihi ayun, talo! congrats sa mga ka-Ang INK na nagwagi!!!!
-----
at ang pinakamahalaga: nasira na ang pen tablet kong si manny. sa magdodonate, mag message lang sakin ahah :D
Congratulations sir mots, you deserve it naman kasi ang galing mo mag-drawing at funny ang comics mo.
ReplyDeleteEverything is falling into place... the universe is conspiring.... it must be.
ReplyDeleteCongrats :)
Gusto ko yung panghuli na may pusa :)
ReplyDeleteOhemgi. :D Congrats, Sir Mots! :D Natawa ako dun sa komiks sa taas, very relate!
ReplyDeletecongrats muli sir mots!
ReplyDeletedamang-dama ko ang iyong kasiyahan :) (nakikidama hahaha)
parang kinikilabutan ako, feeling ko marami pa ang darating sa'yo :)
Galing! Sarap talaga pag unti unti mo ng nakukuha pangarap mo noh? :)
ReplyDeleteI'm a fan, porebs!
ReplyDeletecongrats, mots! ang galing-galing naman. ikaw na. ikaw na talaga! :)
ReplyDeleteGratz buddy ^,^
ReplyDeletereally amazing works...
Homaygayd! Congratulations Ser Mots! ^_________________________^
ReplyDeleteHomaygad! Congratulations Ser Mots! ^________________^
ReplyDeleteOverused na raw si Manny. Di bale, ilang gigs na lang makakaafford ka pa ng mas mahal. Congrats mots! :)
ReplyDeletewow d lang pang blogging pang nationwide na din, susunod international artist kana!!! congrats!!
ReplyDeleteSo proud of you, Ser Mots!!
ReplyDeletecongrats sir mots!
ReplyDeletehinahanap ko yung supremo, pero wala sa mga common malls na tinatambayans ko. hahahah
at nakakainggits na nameet mo ang googlygooey couples, idol sila sa cutie cartoony thingy.
sikat ka na talaga ser mots! ang daming achievements XD
ReplyDeletecongrats! pa burger naman kayo jan :))
So happy for you Sir Mots! May mga hindi talaga meant to be para sa atin, pero syempre, mayroon mas perfect na dadating, Ang gulo lang hehe! Wawa naman si Manny :( Pag 2 nag donate, donate mo sa aking ung isa ha? :)
ReplyDeletecongrats sir! :)
ReplyDeletewow ang galing naman! congratz po!
ReplyDeleteCongrats! Asenso na ha. Sana pag nagkita tayo bigyan mo ako ng autograph. ;-)
ReplyDeleteibang klase talaga ang talent mo sir.
ReplyDeletecongrats