Tuesday, June 25, 2013

A Curious Buffet prep



(almost) ready na sa group exhibit! :D

yay! nadikit na ang dapat madikit! mabuti na lang din at maluwag ang schedule ng klase ko this week. masama mang sabihin eh SALAMAT SA HIGH TIDE! sa ngayon, inaayos ko na lang yung boxes at kung may time pa eh magsasama ng prints nito sa kung sino man ang magkamaling bumili ng clay sculptures ko :D sana lang maka-abot ako nang maaga sa Cubao sa friday para dalin yung mgaexhibit  piece ko kasi manggagaling pa ko ng bulacan. #promdi #poor #walangkotse

*salamat citybuoy sa title :D ikaw na talaga ang manager ko! haha


-----

kitakits sa mga pupunta! open ang A Curious Buffet mula June 29 at 6:00pm hanggang July 13 at 9:00pm

Monday, June 24, 2013

Point and Shoot 14

kung friends tayo sa fb at nagfofollow-an tayo sa tumblr, malamang sa hindi, nakita niyo na tong mga batch ng point and shoot na to.medyo random 'to kasi usually, galing sila sa timeline ko o kaya may okasyon.


152th birthday ni boss Pepe. at yes, huli na ng 2 taon ang commemorative coin ko. 


Hindi ko alam kung matutuwa ako, pero nung nagpost ako ng album ng UDD sa tumblr, sobrang benta. mas mabenta pa sa mga artworks na isang araw kong ginagawa. tss. 

pero sobrang ganda nitong Capacities album ng Up Dharma Down. nakakainis sa ganda. medyo simple lang yung packaging para sa 400 Php pero sulit naman yung music. favorite ko so far yung Turn it Well,Indak, at Thinker. 


It sure is.


Peri-wilkins. nagpaint kami ng wilkins bottles para sa garden. medyo mahirap magtanim ng directly sa lupa kasi maalat yung tubig, namamatay lang yung mga halaman. sayang.



Papercutting like a boss! astig gumawa ng araw yung isang pupil ko. :)


at sobrang daming keychain na ang naiipon ko kada pasalubong. gusto ko yung blue whistle na bigay pa ng Save the Children Foundation para pag may disaster.


Nagbebenta ng mga items galing Japan Japan, sagot sa kahirapan yung co-teacher ko. 10 pesos lang ang isa.


si ser mots, gabi bago ang unang araw ng klase.

Thursday, June 20, 2013

Wednesday, June 19, 2013

no day but today


June 2013 version

nakalimutan ko na tong artwork na to na sinali ko sa SNOTM anniversary contest nung 2011. nakita ko lang na pinost ni   Nutty thoughts . kaya eto, gumawa ako ng bagong vesion. nilagyan ko ng mga kupal sa paligid kasi yun naman talaga yung totoo. kahit sabihin nating now is the best time to be happy eh hindi naman sila mawawala. kasama sila sa mga dapat tanggapin. naks! ate charo, pwede na ba ako sa MMK?



May 2011 version

may charm tong original artwork ng snotm ko. siguro yung pagiging simple lang ng lahat. baka naman kasi ok naman pala dati, pina-pakomplikado ko lang. :) ayun naman sa banat eh!

basta

NOW IS THE BEST TIME TO BE HAPPY! :D hindi bukas, hindi sa susunod pa kundi ngayon!

Monday, June 17, 2013

kanga-bot/ Curious Buffet Exhibit Details





kangaroo + robot = kanga-bot
oha. ang witty ano? pinag-isipan ko yang pangalan na yan ng buong linggo. charot. at ako na talaga ang kumakarir ng Thinkie tank ahah :D

--------------------------------------




A CURIOUS BUFFET

Ang I.N.K. Group Exhibit
About the Exhibit:
Ang Ilustrador ng Kabataan presents an exhibition inspired by the kitchen.
Pots and pans, teacups and spoons are the stuff of the everyday and the normal. We use our kitchenware and utensils almost unthinkingly - picking then up, using them, washing them down over and over again. Kitchen and table utensils are the tools of our daily domestic routines and are steeped in the matter-of-factness of life. Spoons and teapots can be some of the most unremarkable things in the world. Utilitarian and ordinary as they are, one may think that they are far removed from the wonder of the visual arts.
But art can exist in everyday things. In this exhibit, Ang Ilustrador ng Kabataan aims to juxtapose the common kitchen utensil with the magic of art. Factory made utensils give way to artworks made with hands. The artworks on display will use kitchen items and utensils as starting points for sculptures and paintings. Objects that were originally intended for cooking and eating will be reassembled, recombined, repainted and transformed to items for pure visual enjoyment.
In the end, when all the artworks are assembled, the intention is to create a collection of desserts and treats of a different sort for both the eye and the mind.

Details:
Post (formerly PABLO) Cubao X
Exhibit Opening: June 29, 2013/ Saturday/ 6pm
Exhibit runs until July 13, 2013.

Sunday, June 16, 2013

Point and Shoot 13: fete de la musique 2013


Ganito pala ang limelight! masarap charot


Robyn-Dancing on My Own ang peg ni ate koreana!


boy on fire! ulitin ko, fete de la musique ito. hindi bora


Girl on Fire- katniss everdeen


malabo lang pero Up Dharma Down yan. shet ang gondo gondo ni Armi Millare. at tinitigan niya ko sa mata na waring nagungusap na: "mots, papayat ka rin gaya ko"

Friday, June 14, 2013

thinkie tank:marsupial


Marsupial ang theme ng thinkie tank  :) dapat sugar glider ang gagawin ko kaso mas bagay ang mustache kay mr. koala :D


Monday, June 10, 2013

ex


moral of the story: wag mang-agaw ng sagot ng kaklase :)

at madami pa kong nakuhang sagot:

exskwela-ginibang classroom (Lord, anong tinuro kong mali?)
ex-mother- nanay na humiwalay sa tatay (uhhm, galing ba tong word na to kay tatay?)
ex-boyfriend-patay na boyfriend (ay! madaming matutuwa niyan)

Tuesday, June 4, 2013

batch 4!


ang pang 4 na batch ng pupils ko sa public wee. at 18 lang sila :) parang private school. happiness :D
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...