balik quickie comics muna sa ngayon para makapag-update lang. :) medyo busy sa pagtulog ngayong mga nakakraang araw.chos. madami talagang ginagawa kaliwa't kanan.
inayos naman ni landlord yung butas sa kusina kaya nung nag-uulan nitong mga nagdaang hapon, wala na kong nakikitang bakas. :)
ito yung view sa may terrace sa likod ng apartment. buti na lang, hindi nila ko sinisingil sa ganda ng view :)
at eto naman ang view sa harap ng school kaninang umaga :) apaka-swerte kong nilalalng! kung nakaka-yaman lang ang magagandang view. char.
ilang tulog na lang, pasukan na naman. sabi ko nun, pag naging estudyante ko ulit ang batch nila faye, dugong, mark at noli (source ng mga kwentong grade 1 ko dati), ibig sabihin, matanda na ko sa school. at kanina nga, narealized kong grade 4 na sila. isang taon na lang at magiging estudyante ko na sila ulit :O oh nose!
oh how I wish my daily scenery is like that. very calming. sarap umupo and watch the sunrise/sunset.
ReplyDeleteaww. wag lang habang oras ng klase! :D
Deletebukod nga sa mabait ang landlord mo ser makulit din talaga ano? hehehe
ReplyDeleteano na pala nangyari kay monmon ser? may balita kba dun?
balik grade six si monmon ngayong school year. huminto kasi siya. hehe aba't naaalala mo pa siya ah!
DeleteAng kulit naman ni landlord. Alangang may tumulo sa bubong pag walang ulan diba haha...
ReplyDeleteTama ka ser ganda nga ng view. Swerte ka ngang nilalang.
pag may tumulo dun nang walang ulan, mageempake na ko! hihih
Deletewow nature na nature pala environment mo sir..river, mountain at sky talaga..
ReplyDelete:) at si landlord lOl
Deletekaso bihira naman akong tumambay sa likod-bahay :(
haha ang kulit naman ng comic strip! anyway hap na view yan!
ReplyDeletepang 5star hotel sir!
hehe sa presyong sogo lang! :3
Deletegrabe, ang ganda ng tanawin sa labas ng bahay niyo at sa school. tsk, kainggit naman! :D
ReplyDeletehihi slamat. dinadaan ko lang din sa cropping :D
DeleteGanda ng calmness, post ka naman yung may bagyo effect, nakakatakot naman siguro. Well can't have everything. Have a great start this school year and more power!
ReplyDeleteuhmm. buwis buhay lang?
Deletetengs!
mas bagay atang title dito ay ang landlord kong aning (baliw) haha!
ReplyDeleteok lang yan ser mots, di lang naman ikaw tumatanda, pati mga estudyante mo :) Ganda ng view, sarap titigan habang nagkakape kape :)
mabait naman si landlord :) kaya astig na alng hihih
Deleteo kaya mainit sa shokoleyt! yum!
ahahaha, hanep si landlord ah! nga nga ako sa sinabi nya,
ReplyDeletebaka nga naman tumutulo sa bubong pag mainit. hahaha
ganda naman ng mga view mo sir, pwede bang mag fishing dyan?
nga pala, ang ganda nung mga paper cups sa tumbler, inggit ako, inspiring, parang gusto kong pag butihin pa ang mga artworks ko, T_T
hindi eh! may may-ari nung pond :)
Deletegaling niya noh!? guso ko pag nagdodrawing siya ng karne eh! :))
nyahaha idol 'tong si landlord ser mots pero buti nalang di mo pinatulan yung tanong paniguradong guguho ang mundo nya pag narealize nya yung tanong mismo...
ReplyDeleteat sa view swerte swerte, parang good morning lage, nakaka good vibes!!! ◕‿◕
◕‿◕ gaya-gaya ko ng smiley hiihih
Deletebuti nga inayos niya agad yung bubong, kaya points parin!
nice view!
ReplyDeletesalamat!
Deleteang gandan naman ng view sa harap ng skul... hmmmnnnn... sarap yata mag-chill jan...
ReplyDeletewag lang aalon :)
Deletehala ka sir mots pag estudyante mo ulit sila dugong..... mas makulit at mas pipilyo/pilya na ang mga yans.
ReplyDeleteonga eh. :( ayaw nga sa kanila nung ibang teachers kasi sobrang kukulit
DeleteNakakarelax yung view. :)
ReplyDeletepang ad ng nescafe! haha sorry,ambisyosa lang!
Deleteganda naman ng view.. saan yun?
ReplyDeletebulacan :)
Deleteganda ng view... at ang masasabi ko lang.. may point naman si landlord.. malamang tutulo kapag may ulan ^_^
ReplyDeletemay point nga naman, kaso hindi tamang hirit! lol
DeleteWowwww! Nakaka relax naman ang scenery ser! Parang di ka mapapagod kasi pag uwi mo sa hapon, BULAGA! Ganda ng view noh? :D
ReplyDeleteYay! Kakamiss nadin sila Dugong at Faye ser! Babalik narin sa wakas! :D
:) ay jusmiyo! parang ayoko pa!
Deleteat isa ako sa masugid na tagasubaybay ng iyong makukulit na hestudyantweng sina faye, dugong, noli et. al....
ReplyDeletenaalala ko yung kalokohan ng mga batang yan sir... lakas maka good vibes..
:)
at maka-ubos ng energy ng teacher!
Deletetama pag umuulan lang...hihihi!
ReplyDelete:D wala naman na. salamat sa pag-akyat niya ng bubong!
Deletedito din sa amin. may tulo ang bubong. pero buti nalang at kapag may ulan lang tumutulo.
ReplyDeletehehe :) pareho pala tayo
Deleteastig!
ReplyDeleteHi Pogi! Ako ay muling nagbalik sa pagsusulat ha, sana'y inyong tangkilikin sa ika-ilang pagkakataon.
ReplyDeleteHaha, bilang nabanggit ang tanawin ay maari lamang na aking ihambing ang aking tanawin sa tuwing ako ay gigising sa umaga. Ang aking ugali ay dumerecho sa aking malaking salamin upang siyasatin ang aking mukha. Fail. Epic fail. Di mo alam kung gaano ka-suwerte. Haha!
ay gusto ko niyang ganyang view...sana pwedeng dalhin yan dito sa maynila...pero not in the form ng baha...
ReplyDelete