Tuesday, February 12, 2013

mahal, halina't magkape


sadya nga sigurong may mga araw gaya nito.mabagal ang oras, mabilis dumilim, kulimlim ang langit.may nakakalat na unan sa sahig, kumot at pinagbihisan. takot akong kumilos dahil wala ka. ang bawat pagkilos ko'y nagpapaalala na dapat sana'y malapit ka o ako sana ang malapit sa’yo. Paralisado.

pero dahil siyudad, araw, oras, hikab at kalungkutan ang ating pagitan, mangangarap na naman ako ngayong gabi na kasabay kita sa paghilik. mananalangin na paggising ko, hindi na ako bibilang ng mga araw para makita kang muli at araw-araw bubusugin kita ng mga yakap at halik sa ilalim ng mapulang langit.

sabi nga ni victor, "walang pag-ibig ang nalilimutan. mayron lamang na nahihigitan." 

at para sakin,  ang sa iyo’y pareho. hindi malilimutan, hindi mahihigitan.

----

maligayang araw ng mga puso!

59 comments:

  1. sweet! napaaga ata ang valentines!

    ReplyDelete
    Replies
    1. araw-araw dapat balentayms! naalala ko nagpost ka last year ng drawing eh

      Delete
  2. wow... maikli ngunit diretso ang tagos ah... about LDR ba 'to?

    ReplyDelete
    Replies
    1. yep! na parang hindi naman sa totoong buhay haha :) may landing kahalo lang

      Delete
  3. Oh my, ume-emo si Sir! Happy Valentine's Day, Sir Mots!

    ReplyDelete
  4. wow ganda naman ng sinabi ni victor
    anyways sino kaya ito share naman dyan

    ReplyDelete
  5. Yiiiheeee. Kinilig ako. Haha. Happy Balentayms! :D

    ReplyDelete
  6. sino naman kaya ang masuwerteng babae itong nasa kwento mo sir mots?=D

    ReplyDelete
  7. Chos! haha. cnu ka date mo sir? si mudrax mo? hihi

    ReplyDelete
  8. Sir Mots, ang pag-ibig ay hindi nawawala, kumukupas lamang.. pero ikaw na rin ang nagsabi, hindi malilimutan, hindi mahihigitan.. Wow naman! Atonement ba ito?!

    ReplyDelete
  9. ayeee, lapit na talaga ang valentines!!!

    ReplyDelete
  10. :) malambing na maharot ang entry na ito ahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto ko na nasa maharot category to. hihi na may kunting kalanturan :)

      Delete
    2. hmmmm parang nakuha ko na ang ibig sabihin.... new year sa valentines ba ito? charut!

      Delete
  11. nagsesenti po tayo sir, sino po ang maserteng babae na ito? :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe lumang post yan. subrang happy si ser doncha worry!

      Delete
  12. magamit nga yang sinabi ni victor. :D

    Happy Vday Sir!

    ReplyDelete
  13. Hihihihi. Mas tagos to the bones talaga pag tagalog. :)

    ReplyDelete
  14. Hihihihi. Mas tagos to the bones talaga pag tagalog. :)

    ReplyDelete
  15. Hihihihi. Mas tagos to the bones talaga pag tagalog. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. :) shoot na shoot sa puso pag sariling wika!

      Delete
  16. napaka romantic naman! tumitibok tibok ang puso sir mots :)

    ReplyDelete
  17. sir mula sa iyong mga tula noon, mukha kang naiwan ng iyong minamahal. ibig sabihin ba nito hindi ka pa nakakamove on?

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha matagal na kong nag-move on. LOL at isang taon na ang bagong pag-ibig kong kay tamis-tamis!

      Delete
    2. wow hihi masaya ako para sa inyo sir

      Delete
  18. buma velentayns si Sir Mots ah...
    ayih!!!!

    ReplyDelete
  19. Hangkyot ng nabasa ko. Kyot din ng drawing! :D Parang starry starry night!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe bukas Row Row Row Your Boat naman. char

      Delete
  20. " sabi nga ni victor, "walang pag-ibig ang nalilimutan. mayron lamang na nahihigitan."

    at para sakin, ang sa iyo’y pareho. hindi malilimutan, hindi mahihigitan. "

    Supa like tong quote mo na to happy valentines sir - Dark Angel

    ReplyDelete
  21. ini-imagine kong bed room voice at mahinga ang pagkakasabi mo ng post na to sir mots..para..may..feelings.

    ang sweet sweet ng huling line :)


    happy vday! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha tapos may kahalong halinghing!

      Delete
  22. Madamdamin ang katha. Parang may pinaghuhugutan nasobrang lalim. Ahehe.

    ReplyDelete
  23. Sir mots hapi blated valentine sau! Anlandi mo lols

    ReplyDelete
  24. yieee inlab ang paborito kong teacher!!! :))

    ReplyDelete
  25. Grabe sobrang ganda naman nito ser mots. I love it!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...