Tuesday, September 11, 2012

call of duty


akala ko pagka-graduate, matapos makahanap ng trabaho, matatapos na ang mundo ko sa paggawa ng lesson plan at pagtuturo. yun pala, dun lang nagsisimula ang lahat (ng kalbaryo). ni sa hinagap, hindi ko naisip na magagawa ko ang mga 'to.

1. coach- ewan. yung taba kong 'to. ako pa kinuha nila sa athletics. elma muros ang peg? pero in all fairness, masaya pala.
2. sumakay sa bangka- alam niyo na to :)
3. tumula- ampota. pati pala mga teachers may contest?
4. mamundok- mahirap umakyat ng bundok pag kailangan mong isipin ang 25 bata bago ang sarili mo. char lang. syempre, uunahin kong isipin ang sarili ko ahaha
5. umupo sa eleksyon- punyeta. kailangan ba talaga teacher 'to? di ba pwedeng mga doktor? nurse? volunteer? ganyan? kailangan kami agad?
6. magtanim ng puno kada quarter- mahal na ko ni mother earth for sure!
7. maglinis ng tae ng iba- alam niyo na rin to.
8. sumayaw. isang naghuhumiyaw na putaragis.
9. tumugtog na melodica- di ko na rin alam kung pano 'to gawin. hahaha kinalawang na ko!

54 comments:

  1. isang putaragis sa pagsayaw! haha

    at bakit nga tayong mga guro ang bantay pag eleksyon, pag namatay tayo ok lang? ang mga nurse at sundalo o pulis hindi pwede? hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. kailangan yung pagsayaw pag xmas porteh! hahah

      Delete
  2. ang kewl! natawa lang ako sa dami ng murang nabasa ko. lol.

    ReplyDelete
  3. kung public school teacher, syempre kasama na diyan ang ilang buwan na pagtitiis na delayed sweldo sa unang sabak sa pagtuturo.

    ReplyDelete
  4. nyahaha, ser sayaw naman dyan yung cramping :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oppa gangnam ang alam ko! char

      Delete
    2. Hong toroy! k-pop talaga... bungga! nyahahaha...

      Delete
  5. ang hirap talagang maging guro. pangarap ko yan dati. di natupad lol

    ReplyDelete
  6. dami talagang role ang mga teachers... tapus karampot lang ang sahod? makibaka!!! increase sa sahod!!! lol :)

    ReplyDelete
  7. Ayoko lang talaga ng number 7. Gawin na ang lahat, wag lang ang number 7. Please.. wag ang number 7. Bow.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha pag nagka -anak ka, gagawin mo rin ang no. 7

      Delete
  8. hahaha. oo nga sir bakit pag elekstion teacher agad? marami naman jan eh. hehe... dakilang teacher ng eleksiyon! haha

    ReplyDelete
  9. wow! wala na ko masabi..you na talaga! mahal na nga kita eh chos...

    ReplyDelete
  10. ser mots, lahat ng nilista mo pwede ko intindihin pwera yung #7! pucha, magkamatayan na! hehe!

    ReplyDelete
  11. Sobrang mahal ko na mga naging teachers ko dahil sa post na 'to!

    ReplyDelete
  12. hahaha busyng busy si teacher mots! dami kong tawa sa "char lang. syempre, uunahin kong isipin ang sarili ko" haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo naman. pag nahulog ako sa bundok sasagipin ba nila ko? hahah

      Delete
  13. Katawa ka ser! Hanga naman ako sayo. YOU ALREADY! Pero seryos, kahit na kayod kalabaw ang peg, marami kang bata, mamamayan na natutulungan. Think pasitib walang aayaw! Wag kang susuko ah? Gora lang ng gora! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat! medyo pa give-up na pero kakayanin!

      Delete
  14. oo nga naman.. napaisip ako bigla.. bakit teachers ang tumatao sa eleksyon? di ba pwedeng janitors naman, pulis, metro aide atbp??

    ReplyDelete
    Replies
    1. malay ko ba. sino bang hudas ang nagsimula niyan?

      Delete
  15. haha ganun tlga mas exciting ang buhay guro sa mga ganynag event

    ReplyDelete
    Replies
    1. yan din ang tingin ko. dagdag spice din. dagdag experience!

      Delete
  16. wahahaha epic ang pag sayaw. sir, post ka ng vid mo na nasayaw, sisikat ka sa youtube lols

    ReplyDelete
  17. ganyan talaga pag ikaw ay isang dakilang guro pero okay lang yun kasi ikaw ay pag-asa ng kabataan LOL kaya nga hindi ako nag teacher kasi hagardo verzosa lang ;))

    ReplyDelete
  18. Hello, blog hopping here :) ang ganda ng blog mo, teacher din ako kaya medyo nakaka-relate :)Aprub! :)

    ReplyDelete
  19. Replies
    1. yehess! hindi naman. paramg robin padilla lang

      Delete
  20. actually question ko din yan, bakit nga ba teachers ang pinagbabantay ng balota? san galing ang tradisyon na ito? nakasulat ba to sa sanligang batas?

    ReplyDelete
  21. natawa talaga ako sa mga pics ngayon sir mots. lalo na dun sa ebak at dun sa pagsayaw! ang job description niyo pala, parang artista. dapat marunong umarte at sumayaw. haha

    ReplyDelete
  22. Hay nako sir why not try dancing Gangnam Style since nandyan ka lang din naman. hahahaha!

    ReplyDelete
  23. nakapalda ka talaga nung sumayaw ka sir?wahaha iba talaga ang mga guro. super flexible sa lahat. nyahaha =D

    ReplyDelete
  24. multi-talented si sir! hehe

    ReplyDelete
  25. ngaun ko lang nakita 'to.. hehe! tagal ko hindi nakapagcheck...

    jamming tau, ser, minsan... sa melodica... ;)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...