Sunday, September 23, 2012
2nd
nakalimutan kong birthday na pala ng blog ko nung 15. haha andami kasing ganap! buti ngpost si will, kaya naalala ko. magkasunod ipinanganak ang blog namin.
happy 2nd bortdey din me likes art :)))
-----
walang give-away, walang libreng avatar, wala akong pera. LOL isang tagos sa pwet na pasasalamat lang sa hindi nagsasawang bumalik, magbasa at magcomment sa blog ko! mwah mwah tsup tsup! :*
Monday, September 17, 2012
i am a filipino
nas-stress na ko sa pagtuturo ng speech choir :( ang sakit sakit sa bangs!!! sana matapos na ang september!
kailangan ko ng isang banig na stresstabs!
kailangan ko ng isang banig na stresstabs!
Sunday, September 16, 2012
Tuesday, September 11, 2012
call of duty
akala ko pagka-graduate, matapos makahanap ng trabaho, matatapos na ang mundo ko sa paggawa ng lesson plan at pagtuturo. yun pala, dun lang nagsisimula ang lahat (ng kalbaryo). ni sa hinagap, hindi ko naisip na magagawa ko ang mga 'to.
1. coach- ewan. yung taba kong 'to. ako pa kinuha nila sa athletics. elma muros ang peg? pero in all fairness, masaya pala.
2. sumakay sa bangka- alam niyo na to :)
3. tumula- ampota. pati pala mga teachers may contest?
4. mamundok- mahirap umakyat ng bundok pag kailangan mong isipin ang 25 bata bago ang sarili mo. char lang. syempre, uunahin kong isipin ang sarili ko ahaha
5. umupo sa eleksyon- punyeta. kailangan ba talaga teacher 'to? di ba pwedeng mga doktor? nurse? volunteer? ganyan? kailangan kami agad?
6. magtanim ng puno kada quarter- mahal na ko ni mother earth for sure!
7. maglinis ng tae ng iba- alam niyo na rin to.
8. sumayaw. isang naghuhumiyaw na putaragis.
9. tumugtog na melodica- di ko na rin alam kung pano 'to gawin. hahaha kinalawang na ko!
Monday, September 10, 2012
Friday, September 7, 2012
Monday, September 3, 2012
murakami nosebleed
ganito ang nangyayari sakin pag binabasa ko si murakami. sakit sa ulo!
*nainspire ako sa gif ni Boulet
Subscribe to:
Posts (Atom)