ayoko ng seafood kaso, bihira namang magkaroon ng ibang ulam sa barrio. kaya eto, nasanay na ko. kaya tuwing umuuwi ko samin, pumapamatay ako ng tao pag hindi karne ang niluluto ng nanay ko. ahhaha. charot lang. nung nagtututro ako sa private school, chocolate ang binibigay samin (galing sa mga parents na nasa abroad), ngayon, alimasag at sugpo. oha susyal!
sabi pa nung janitor namin, "tumataas" ang highblood niya sa kakakain ng seafood. huwat?
-----
may ibang ulam di pala sa barrio. yung
bad ulam
wow, seafoods. oks na yan kahit medyo sumakit batok lalo na sa aligue
ReplyDeleteansarap ng aligue. puta! (dapat may mura)
Deletetumataas na highblood pa, musta sa redundancy hahaha... swerte mo naman ser, ang mahal kaya ng seafood.
ReplyDeleteonga eh. alam ko na nagpapamahal. yung biyahe hihih
Deletehindi rin ako mahilig sa seafoods, magkakasundo tayo pag nilibre mo na ako sir, hoho
ReplyDeletehaha hayaan na kaya nating di tayo magkasundo? lol
Deletemataas ang cholesterol ng crabs, pero keribum kung paminsan2 lang nman hehe
ReplyDeletetomo. mahirap lang kainin. effort
Deletehindi ako makakain ng seafoods :P allergy. pero ansarap daw :(
ReplyDeleteMyxilog
aaangg saaarrrappp! (nang-inggit pa?) hihi peace
Deletelol sa tumataas ang high blood.. hahahaha
ReplyDeleteako favorite ko ang seafood :) sarap-sarap eh.. yung nagluluto naman ng baboy at manok ang pinapatay ko.. ahahahahaha
wag mo nang isama yung pumapatay ng manok! puhlease! hihi
Deletegusto ko ng seafoods..favorite ko ang hipon..saken mo na lang ibigay kung ayaw mo sir..hehehe...
ReplyDeletehindi, ok na ko, kumakain na ko ahha (damot much)
DeleteKumakain ka rin ba nang "tahong"?
ReplyDeletedepende sa tahong lol
DeleteSir pakideliver na lang ung mga pampataas ng highblood sa amin. =) Favorite ko tahong, alimasag at sugpo hehehe!
ReplyDeleteThe perks of being a teacher! =)
gusto ko ng alimasag! :))) chalap
DeleteKakakain ko lang ng seafood pasta, nagcrave ako ng seafood e, haha! buti na lang lowblood ako, hehe! haha, katuwa naman , san bang barrio ka nagtuturo ser?
ReplyDeletesa isang mahirap na coastal town sa bulacan lol :)
DeleteMuch as I love food, I'm just not a seafood fan. Mahilig talaga ako sa meat, like you. :P
ReplyDeletehttp://www.dekaphobe.com/
medyo na train ko na ang dila ko hehe pero meat parin (red para susyal)
Deletewow! seafood galore... fav much.. mahal kc dito ang alimasag at sugpo...
ReplyDeletemahal nga pag nasa bayan na. derekta kasi kami sa mga humuhuli kaya mura
Deleteako din di ko want mxado sea food at lalo na ang aso haha
ReplyDeletedi kayo magkakasundo ng mga estudyante ko. aso ang favorite
Deletenacurious tuloy ako. saang lugar yan?
ReplyDeletesa mahirap na coastal town sa bulacan hihi
Deletetumataas ang highblood! hahaha nakanang!
ReplyDeletesarap naman ng buhay barrio..pero hinay-hinay ser mots, baka tumaas din ang highblood mo..LOL
sa mga estudyante "tumataas" ang high blood ko lol
DeleteNako ser, hinay-hinay lang.... Galing ba sa baha ang mga yan? hahaha! Joke!
ReplyDeleteDapat na talaga akong mag sub sa iskul mo para makatikim naman ako ng libre :)
ReplyDeletesarap! anung mga luto ginawa mo sir mots? :)
ReplyDelete