Friday, August 31, 2012

lumu-lookbook

pag nag lookbook ako ng damit ko, tiyak, walang kwenta. hanggang pagtulog kasi naka-barong ako. hahah :)

kaya, ipapa-ubaya ko na lang sa ibang bloggers ang pag lulookbook hehe

Monday, August 27, 2012

from a distance ang peg

sabagay, mapapagod si papa jesus kung lahat ng makukulit eh titignan niya, kaya yung pinaka makukulit na lang!

Wednesday, August 22, 2012

lakas

sabi ko nga sa original post na to, malakas makadagdag ng confidence pag kasama mo tong mga grade 1. alavet :)

kaso dahil 2 taon na kong nasa grade 5 at 6, tumanda na ko ng 50 years lol

Tuesday, August 21, 2012

tomato tycoon*

dahil siguro mahal ang kamatis?

last day ng vacation :) hello school opening. char! :)
-----------

*salamat will sa title

Monday, August 20, 2012

1/4


haha patawad! nadelete ko yung first 7 comments :( soweee

Sunday, August 19, 2012

hdden cam

for the record, wala kaming hidden camera sa classroom! imbento lang si dugs

happy loong weekend! :)

Saturday, August 18, 2012

runner-up


yun oh! ruma-runner-up kay papa jesus haha lakas ng pananampalataya ni dugong sakin. lol

sabi ko nga nung una ko tong na-post, san na lang ako pupulutung bahagi ng "buo at lahat ng daigdig" pag nakilala nila yung ibang magaling magdrawing :))

Friday, August 17, 2012

faye


nagawa ko na ring comics yung mga lumang post ko tungkol kay faye. meron pa. tignan ko sa weekend kung maagagwa.

Thursday, August 16, 2012

delayed hourly comics

every February 1 ang hourly comics, pero dahil wala akong hourly comics noon, ngayon ako magpopost. ito yung regular na schedule pag nanggagaling ako ng manila papasok sa bulacan. naho-homesick kasi ako pag mag-isa ako sa bulacan. ngayong paputul-putol ang klase, at bumabaha, nagmamanila-bulacan ako. 




Wednesday, August 15, 2012

awesome!

check niyo yung song sa youtube


bulacan day! mabuhay! at sa wakas, may pasok na bukas :)  woot

Tuesday, August 14, 2012

Lord, why?

ano ba ang tawag sa drawing na to? hehe


feeling ko, kailangan ko na namang magpakilala sa haba ng panahon na di kami nagkita. wala paring klase ngayon. baha parin sa bulacan. tapos bukas, bulacan day kaya holiday. malamang, thursday na ulit kami magkita. ano pa kayang naaalala nila sa lesson? pahirap tong bakasyon na to.



dito galing yung bagong header. ngayon ko lang nalaman na pwede pala ang gif!


Monday, August 13, 2012

JL, Machete, and MJ

lo and behold, suspended na naman ang klase namin tomorrow. omay gulay. mukang matatapos ko lahat ng sinusubaybayn ko teleserye sa hapon ah hehe

medyo hindi na siya masaya, pero atleast nakakgawa ako ng comics woot!


Saturday, August 11, 2012

oh shit

hindi ko hinugasan. pinatawag ko yung nanay hihi

anyway highway, sinusubukan kong ibahin yung style ng comics para sa teacher's pwet. pero dahil walang pasok ng halos two weeks (patay tayo sa Saturday class at sembreak), eh kukuha muna ako ng kwento sa old blog posts na walang illustrations :)) ganito talaga pag walang magawa. hehe

happy weekend! 

Friday, August 10, 2012

random artwork


seafood galore!


ayoko ng seafood kaso, bihira namang magkaroon ng ibang ulam sa barrio. kaya eto, nasanay na ko. kaya tuwing umuuwi ko samin, pumapamatay ako ng tao pag hindi karne ang niluluto ng nanay ko. ahhaha. charot lang. nung nagtututro ako sa private school, chocolate ang binibigay samin (galing sa mga parents na nasa abroad), ngayon, alimasag at sugpo. oha susyal!

sabi pa nung janitor namin, "tumataas" ang highblood niya sa kakakain ng seafood. huwat?

-----


may ibang ulam di pala sa barrio. yung bad ulam

Thursday, August 9, 2012

here comes the sun..


sino ba namang hindi magkakaroon ng love-hate relationship kay mr. sun?

kahit ikaw ang dahilan ng pagpantay ng kulay ng kilikili ko sa braso ko,  magpakita ka na dahil kailangan na talagang magpatuyo ng labada, tinatamad na ko sa bahay, gusto ko nang magturo at quota na kami sa alipunga! puhleeease! late na late na ang lessons ko at nalulunod na ang pinaghirapan naming itanim sa school garden!  

flash drive

oh yeahUSB flash drive

Wednesday, August 1, 2012

life of mochi

sa pangatlong araw, wala na namang pasok. nakakatamad din pala to in fairness. ang maganda lang, mukang matatapos ko nang basahin ang life of pi na tungkol sa isang batang indian na na stranded sa pacific ocean kasama ang isang bengal tiger ng 227 days.  special mention pa ang manila at manila zoo. oha :)

pwede na pala kaming cast ng life of pi movie. may indian, may bangka at may pusa, kaso 16 palang si pi. lakas maka bagets.

eniwey highway,

sigurado, may pasok na bukas. sarap buhay :)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...