Tuesday, March 20, 2012

coooool

may bagong bida sa classroom. ang bagong bili naming bentilador (ang cliche sa lahat ng cliche pag nagpa PTA project). natuwa ako habang ina-assemble ang aming hamak na electric fan. bilib na bilib ang mga bagets. akala naman nila smart na smart ang adviser nila para makabuo ng bentilador. ang lakas maka-macho ng pagbuo ng electric fan. kaloka!

at nung bunuksan na namin, lahat sila nagkumpulan sa harap. sabik sa hangin much? walang electric fan sa bahay? well, pangalawang electric fan namin yun. yung una, tinangay ni pedring. kaya napagkasunduan naming sa umaga,sa harap ko ilalagay ang bentilador at sa hapon sa likod. tanga kasi yung mga nasa unahan. hindi nila naisip na malamig sa umaga at bubula naman ang kilikili nila sa hapon. haha

naalala ko yung ilang estudyante ko sa private school dati--.naka electric fan at aircon na, nagrereklamo pa. masyado! anak ng diyos?

ang bagong bentilador sa bagong classroom. may bago na naman kaming sisirain!
----

wala lungs. gusto ko lang magkwento. tapos na ko sa grades eh. yeheeee!

30 comments:

  1. Swerte din minsan yung simple lang ang buhay, mas nakakaappreciate ng maliliit na bagay. :)

    http://www.dekaphobe.com/

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama :) mabuhay ang mga aliping namamahay. charut

      Delete
  2. bakasyon mode na! tara, pasyal tayo! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. tara na! :)) wala pa kong plano. san ba maganda?

      Delete
  3. hahahaha. new gadget sa skul. Bili pa kayo isa, para madaming hangin :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. sige, next time, ceiling fan naman yehey!

      Delete
  4. mabuhay ang bagong bentilador!

    Aliw much talaga mga students mo sir mots.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mababaw lang ang mga batang yan. kaaliw :))

      Delete
  5. gusto ko tuloy makita ang itsura ng mga estudyante mo sir mots ang kukyut siguro nila dahil tuwang tuwa sila sa bagong bentilador nyo =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. nag-attempt naman akong kumuha ng picture kaso nagpulasan!

      Delete
  6. "..naka electric fan at bentilador na, nagrereklamo pa.." Kailangang ipagdiinan? hahahaha..

    http://www.dexterification.wordpress.com/

    Pa-promote po.. Yey! Thanks..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah aircon yun dapat1 thanks for pointing that out! :))

      sure

      Delete
    2. Hahaha.. yey thanks..

      Dapat gawa ka ng komiks, mala Pugad Baboy.. Ang pamagat - Super Mots..

      Delete
  7. wow.. kami dito ser sira na aircon... pwede ka ba dun.. hehehe joke lang

    ReplyDelete
    Replies
    1. tseh. bastos ka. hahha di ako sanay sa aircon, mahirap ako

      Delete
  8. Hahaha. Ang kyut naman. Batang bata lang, nagkakagulo sa electric fan. Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang cute nila nung unang bukas promise :)) nakakatuwa

      Delete
  9. nakakatuwa ang mga bata, simpleng electric fan pinagkakaguluhan. nice post sir mots, natawa ako LOL.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung makikita mo lang kung gano sila kasaya! :))

      Delete
  10. ang saya! congrats sa bagong bentilador ser! :D

    ReplyDelete
  11. hahaha. ang cool nga!

    pano na lang kung aircon na ang inassemble mo, omegad. Diyos na po siguro ang tingin sayo ng mga estudyante mo. lol

    ReplyDelete
  12. katuwa naman kayo sir mots, hehehe

    pwede bang madalaw sa iyong paaralan? :D

    ReplyDelete
  13. yey natapos na n'yaaa!
    LOL sa pagbula ng kilikili. hahahaha maswerte mga nasa likod hahaha :D

    ReplyDelete
  14. Ikaw na ang macho. Paassemble naman dito.. refrigerator. lolz

    ReplyDelete
  15. happy for you sir and for the kids. At least matututo ang mga bata to appreciate the small and simple things, hindi tulad ng mga walang kwentang conyo ng mga private schools. And yes, guilty ako diyan. hehehe! I just thank God na tinuruan niya ako na tumigil magasal conyo at tigilan ang social climbing. We live, we learn, we grow old, we become wiser. God bless sir!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...