Monday, March 26, 2012
Sunday, March 25, 2012
oha
when someone leaves, it's because someone else is about to arrive.-paulo coelho
pano ba yan? hindi na ko emo. lol
Saturday, March 24, 2012
Thursday, March 22, 2012
beergin
monmon: sir, may anak ka na?
ser: wala pa.
angelo: may asawa ka na ser?
ser: wala pa.
monmon: girlfriend?
ser: wala rin.
angelo: hanap ka namin ser.
ser: sino?
monmon: si janice.
ser: sino yun
angelo: yung baliw. kinakusap yung sarili.
ser: ayoko nun.
angelo: si Piling
ser; sino yun?
angelo: yung nag jujueteng.
ser: ayoko rin.
monmon: si nana kwala!!
ser: sino na naman yun?
monmon: yung beergin (virgin),yung lola ni jessa
ser: eh di hindi na virgin pag ganun
angelo: beergin pa yun ser. isa palang ang anak.
monmon: beergin pa nga yun kasi putol paa nun.
monmon at angelo:ano ser, yun na lang ser!

Tuesday, March 20, 2012
coooool
may bagong bida sa classroom. ang bagong bili naming bentilador (ang cliche sa lahat ng cliche pag nagpa PTA project). natuwa ako habang ina-assemble ang aming hamak na electric fan. bilib na bilib ang mga bagets. akala naman nila smart na smart ang adviser nila para makabuo ng bentilador. ang lakas maka-macho ng pagbuo ng electric fan. kaloka!
at nung bunuksan na namin, lahat sila nagkumpulan sa harap. sabik sa hangin much? walang electric fan sa bahay? well, pangalawang electric fan namin yun. yung una, tinangay ni pedring. kaya napagkasunduan naming sa umaga,sa harap ko ilalagay ang bentilador at sa hapon sa likod. tanga kasi yung mga nasa unahan. hindi nila naisip na malamig sa umaga at bubula naman ang kilikili nila sa hapon. haha
naalala ko yung ilang estudyante ko sa private school dati--.naka electric fan at aircon na, nagrereklamo pa. masyado! anak ng diyos?
ang bagong bentilador sa bagong classroom. may bago na naman kaming sisirain!
----
wala lungs. gusto ko lang magkwento. tapos na ko sa grades eh. yeheeee!

Monday, March 12, 2012
toxic
dizzizit! ang tunay na mundo ng isang barrio teacher. papel sa classroom, papel sa sala, papel sa dining table, papel sa pwet. nakakalunod sa dami ng forms na kailangang bunuin sa loob ng 3 linggo. nakakhilo nang magpipindut-pindot ng grades sa excel, pagsulat sa repor card, at maligo sa isang baldeng kape. daig pa ang 3 sunud-sunod na orgasm. lata much
anong kapalit? 2 buwang bakasyon!!!!! yeeehee
---
wala munang comics!
Tuesday, March 6, 2012
Monday, March 5, 2012
Sunday, March 4, 2012
tanong #1
madami.
minsan ayoko nang magsulat ng lesson plan, magpagpag ng chalk dust sa pantalon, magsermon araw-araw(putangina naman), magipit bago sumweldo, gumawa ng mga dinoktor na grades (hindi ko na alam kung may totoo pa sa mga inencode ko), gumawa ng report na sususnugin lang naman sa central office, makinig sa samu't saring sumbong, sumakay sa bangka, magbilad sa araw, hanapin ang volume ng sphere, isa-isahin ang bahagi ng pananalita, tumambling sa bali-baligtad na parts of speech, magpatawag ng magulang, magsulat sa card, sumagot ng "opo" sa principal, magpaluwal sa gastos sa school, maging audience pag may okasyon si mayor o si gob, magbarong kahit mainit, magpigil pumatay ng bata, magpigil pumatay ng magulang ng bata, magsabi ng "goodbye class",magbenta ng tocino, longganisa. maging pambansang hayop ng pilipinas.
minsan gusto ko lang humiga maghapon sa bahay at magdrowing nang magdrowing nang magdrowing pagkatapos manood nang 100 in 1 porn DVD
Saturday, March 3, 2012
bagong peg
para mas realistic na ang drawing ko. mas maitim, mas mataba, mas malamlam (yehesss na man sa tagalog) ang kulay.
----
at nakuha ko talagang magblog sa gitna ng sandamukal na year-end reports, grades at ang paulit ulit na earthquake drill.
ito yung lumang classroom namin. ang gondho ng view mula sa bitana ng classroom namin dati di ba?
"kayrami nang winasak na tahanan!"-pedring
bago i-demolish ang dating classroom :(
Thursday, March 1, 2012
kumpanyero!
tinanong ako ni MJ kanina kung pwede niya kong maging abugado paglaki niya (sakto naman sa paglabas ng resulta ng bar exam) tinanong ko siya kung bakit.
sabi niya, andami ko raw kasing sinosolve na away at kaso sa classroom.
----
hindi ba pwedeng baraggay captain na lang o bouncer sa nightclub? lol
-----
congrats sa mga pumasa sa bar!!! yehey!
Subscribe to:
Posts (Atom)