Monday, January 30, 2012

earthquake drill

may quarterly report kami tungkol sa pagsasagawa ng earthquake drill. pagkatapos ko silang kunan ng pictures at tinignan sa pc, laking tuwa ko sa picture ni nicolas. kung ganyan ang pwesto mo habang lumilindol, isang malaking goodluck sayo :))



kita nyo yung bowl namin? ayun sa likod :) heheh

Sunday, January 29, 2012

lobster nga!

nag-uwi si pudrakels ng lobster para sa breakfast. antaray lang diba? first time ko. virgin na virgin hihi 
umagang-umagang high blood ang drama sa bahay :)


Thursday, January 26, 2012

boyscout

...at nailigtas ng masisinop at laging handang mga tauhan ang trono ng hari :))

Wednesday, January 25, 2012

parting is such sweet sorrow 2



goodbye extra rice!

parting is such sweet sorrow 1


"sir! sir! iligtas natin ang toilet bowl natin"




natuwa ako sa grade 5 ko pagpasok ko sa ginigibang classroom namin. may nagsulat sa blackboard

"mamimiss kita-Gr. 5"
"mamimiss ko ang gr. 5"

ako rin. mamimiss ko ang room namin. andaming bagyo , baha at init na ang inabot namin dito. maraming salamat sa mga alaala. lilipat na kami sa bago naming classroom!!!! yey!

Monday, January 23, 2012

happy new year ulit!


nabasa ko sa sports bottle ng kapatid ko :))

bomba

ako na. ako na ang green minded hahah. natawa lang talaga ko pag naiisip ko to.

Friday, January 20, 2012

good news #3


yabah! i finally got my SNOTM artworks :))) just in time for my bordey. thank you Alex Noriega!









Thursday, January 19, 2012

good news #2


andami kong handa!!

pansit malabon, lechon, maraming cake, buko pandan, hotdog na nakatusok sa repolyo. may balloons pa at samut saring mga pang-uuto para lang sa napaka-espesyal na araw na to.

lahat naka chalk

pero ang pinakamasarap sa lahat ay ang regalo nila na behave sila buong araw.



busog ang maghapon!!

Wednesday, January 18, 2012

good news # 1

classroom



yey! may bagong classroom na kami bago mag-goodbye sa school year na to! :)) may magandang naidulot naman pala si bagyong pedring- mas matibay na classroom para kila monmon. may bago na naman silang sisirain.

goodbye anay! goodbye wasak na bintana at pinto! goodbye nalalaglag na ceiling! goodbye! goodbye!

Monday, January 16, 2012

abante



paano ka makararating
kung hindi ka naman umaalis?

ang abante ay pagsulong
paliwanag ko sayo isang
gabing lango tayo
pareho sa kape. 

malabo sayo ang ganitong tagalog.

ito ay pag-usad
mula sa dating kinatatayuan.
maaring paglimot sa
alaala
pikit matang pagpadyak pausad
pasulong.

ito'y pag-iwan ng bagahe
pageempake
paghila
pagkaray
sa mga paang nakapako sa lupa
hindi na maiusad.
ang abante minsan ay pag-alis

ngunit

wala namang umaalis, sagot mo
dahil wala namang 

nananatili.

Sunday, January 15, 2012

dork

and here is my entry to the creative dork's blog giveaway. i WANT those prizes!!!! 




pick me robbie! hehe :D

supreme


"we don't realize that somewhere within us,
there does exist a supreme self who is eternally at peace"
-Elizabeth Gilbert (eat, pray, love)



Saturday, January 14, 2012

madam techie


principal: sir, pa-email nga nito
sir: may soft copy po ba tayo niyan?
principal: eh basta iemail daw eh
sir; itytype ko po ba yan lahat?
principal: ....
sir: san ko po ba isesend?
principal: basta email mo.


ano kaya ang idea ni mam si email? parang snail mail? ganito rin akaya ako pagtanda-tanda ko? :))

---

may kewl na kewl na blog giveaway si robbie :) check niyo. sasali ako. dapat sakin mapunta lahat ng yuuuunnnn!!!!! hehe sipagin sana ko


Tuesday, January 10, 2012

mmbango!

naamoy kaya ni talaga ni dom o isa lang itong urban legend? hahah

Saturday, January 7, 2012

milo

Masarap Iulam Lasang Ovaltine

Nung nag-aaral pa ko, hiyang-hiya ako pag itlog na pula ang baon ko, o kaya langgonisang bawang. di na lang ako kumakain pag lunch. pero si fredelito, proud. nagsheshare pa kila faye! :))

nung minsang binigyan ko naman ng ibang ulam si fredelito, tinago niya yung sachet ng milo at iuulam na lang daw nila sa bukas. biruin mo yun? 

Thursday, January 5, 2012

My Heart Will Go On.

ser: bakit hindi ka tutugtog, hindi ba nagpractice tayo?
angel: hindi ko po alam yung "My Heart Will Go On"
ser: eh ano lang ang natandaan mo?
angel: yung sa Titanic po.

teka, may ibang theme song pa ba ang titanic na hindi ko nalalaman?

Wednesday, January 4, 2012

maagang pasko!

absent si monmon nung first day, unang kita niya sakin kanina, ang bungad niya agad eh "sir, kelan po ang Christmas Party?"

shet naman. enero pa lang, christmas party na agad. hindi ba pwedeng valentine's day muna? o kaya i-greet niya muna ko ng happy new year, o good morning man lang? ramdam na ramdam ko naman ang kasipagan ni monmon mag-aral.

on the sikandtot, di ko naman masisis si monmon, ako rin naman may hang-over pa ng pasko. kakalahati pa lang din ang mga estudyante kong pumapasok. kung ako sa kanila, imbis na christmas party ang isipin, summer vacation ang aasamin ko. mas malapit-lapit pa :))) o yeah!!! bakasyon na, with pay pa!! sarrrap! parang pasko ulit!

at ako talaga ang na-excite! :)

Tuesday, January 3, 2012

confident

nung minsang naikwento ko kay mudrax na swerte sa lovelife si pudrax ngayong 2012, zavi ni zenaida zeba, sinagot ako ni mudrax nang walang kagatul-gatol ng: "eh siyempre ako ang lovelife ng pudrax mo!"

oha. confident! pak!kung maka syempre si mudrax, parang gustong ilevel ang pagmamahalan nila kay edward at bella, kay justin at selena, lotlot at monching, at hayden at vicky.

owver.

Monday, January 2, 2012

party pooper

ayaw ko pang pumasok! :O why oh why?

(insert music)

"oh kay bilis ng iyong pagdating, 
pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
natulog ako ikaw ang kapiling
ngunit wala ka nang ako'y gumising,


oh kay bilis ng iyong pagdating, 
pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
ang pagsinta mo na sadyang kay sarap
sa isang iglap lang, nawala rin lahhhhhaaaat"

-imelda papin

Sunday, January 1, 2012

lucky color: red

"sir red alert! si rosel! nireregla!"

ano nga bang gagawin ko?

a. magpabili ng napkin, sabihin with wings
b. pagalitan si rosel dahil dinumihan niya ang bowl.
c. i celebrate ang pagdadalaga ni rosel
d. maglaro ng "touch the color." red ang una

naalala ko nung unang nagkaroon ang kapatid ko, humingi siya ng tulong kay mudrax. kaya nung sinabi ng isang estudyante ko na ganap na dalaga na si rosel, hindi ko alam ang gagawin ko. ano ba namang malay ko sa paglalagay napkin, o sa pag-alo sa batang nawalan ng dugo.

nang nilapitan ko si rosel, hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin.

"sir, dumugo po ang ngipin ko"
----
"shet na malagket"
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...