Saturday, December 31, 2011

eleven of 2011




1. Project Manila Paper (with Raffy Parcon)


eto na siguro ang pinaka succesful post ko so far (so far daw oh). ang project manila hemp kasama ang mga dating kasama sa dyaryo at mga bagong kaibigan. ito ay ang kakaibang pagtingin sa maynila inspired ng pen vs. camera ni ben heine. umabot ng sang malmal ang pageviews ko galing sa iba't ibang referring sites. bongga lang diba?

2. Teacher's Twet 3D



kasalukuyang akong nagpapakapekpek ng mga panahong ito kaya para maiwasan ang pagkitil sa sariling buhay, naisip kong gumawa ng teacher's pwet sa clay. sabi ko nga, bongga sana kung Polymer para mas mapreserve ang beauty ko sa clay kaso wala pa kong resources. next time!

3. Pedring



kasgsagan ng pagkabigo ko sa buhay pag-ibig nang nasalanta ng bagyong pedring ang bulacan. oha. spell timing? nasira ang forms, ang classrooms, ang books, ang bangs ko. buti na lang at mabilis ang tulong. tinatayo na ngayon ang mga bagong building ng aming iskul. yey!!!!! bagong taon, bagong classroom.

4. emo emo emo (pinag-isipan ko yang title na yan ah)



kailangan pa bang i-explain? lol.  kahapon, habang nagbaback-read, napansin kong sa phase (kung maka-phase naman oh) na to ng pagba-blog ko pinaka maganda ang mga drawings ko. pinaka-favorite ko parin yung mga artworks ko sa puntong 'to. love love love

5. Water Corol


inspired by may ann licudine, binuksan ko ulit ang natutuyong mga water color sa bahay at nagpaint nang nagpaint! at nagustuhan ni mall! yeeee :)

6. bloggers/ friends/ blogger friends (huwat?)


nagsimula ang lahat sa pang-uuto (charot lang), sa pagpapasalamat hanggang sa nauwi sa pa-contest at kung anik-anik pa. marami-rami na rin akong bloggers na nagawan ng drawings. yung iba friends ko na (assuming ako) haha. next next year, malay mo ikaw naman!

7. Isang taon


isang taon na kong barrio teacher na sumasakay sa bangka para pumasok at isang taon na rin akong pakalat-kalat sa blogsphere. enjoy naman ako sa pagsakay ng bangka habang kumakanta ng just around the riverbend ni pocahontas at pagkulimbat samu't saring seafood. kung wala naman ako sa bay school, wala tayong kwentong faye, aldo, monmon at dugong divah? 

nag-isang taon na rin ang aking  blog! naalala ko kung paano nagsimula ang blog na to hanggang sa nagkaroon ng mga followers at dumamii ang pageviews at na-nominate sa mga award award. salamat! maraming salamuch! tengkyow!

8. komiks


at ang maglulunsad sakin sa stardom- ang aking mga comics! charuuut. andami kwentong dapat i-comics pero nauunahan ako ng katamaran. minsan ng LP, minsan ng grades. pero minsan naman, nakakalimutan kong guro pala ako at inuuna ko pa ang pagba-blog. haha ngayong 20112, balak kong ilipat sa comics ang mga kentong grade 1 ko dati :)) sana sana, sipagin ako.

9. header galore


ito na siguro ang katunayan na mas inuna ko talaga ang pagiging blogger kesa sa pagiging guro. ang maya't mayang pagpapalit ng header. sa kasalukuyan, wala akong header. salamat sa dynamic views ng blogger.

10. if it is a poem at all

wala lang. di mahalaga. mga tula pagkatapos ng sex.

11. old artworks


bakit ako nagpopost ng old artworks?
1. wala akong comics sa araw na yun
2. gusto kong magyabang. bwahahahah
3. gusto ko lang may 3. bitin pag even.
----

ps. huwag mag-expect ng kakaiba sa 2012. malamang ganito lang din yun haha :) heypi new year!!!!!

Friday, December 30, 2011

ruin is a gift

naalala ko yung artwork na to dati , naisip ko, kailangan may mala aftermath to kaya naisip kong gawin to kaninang madaling araw.


habang nagbaback-read kagabi, naisip ko kung gaano ako nilamon ng ka-emohan nitong nakaraang mga buwan. nawala yung perky na perky na barrio teacher sa blog na to. sa huli, ano pa man ang nangyari, tayo ang magdedesisiyon kung pipiliin nating maging masaya o magkutkot ng balakubak sa sulok. nasasa atin yun kung mas pipiliin nating bilangin ang pubic hair natin habang may makapal na eyeliner o magmamaganda ulit. at oo na, cliche na to. kung dumadaan ka sa parehong proseso, sabi nga ni elizabeth gilbert, hindi nagsasara ng pinto ang diyos nang hindi siya nagbubukas ng kahon ng girl scout cookies. kung ano man ang nawala, tiyak mapapalitan. kung ano man ang divirginized..well, there's always a first time. hahaha

sa huli, ang lahat ay lumilipas

Wednesday, December 28, 2011

hello 2012.


Before a new chapter is begun, the old one has to be finished: tell yourself that what has passed will never come back.


Remember that there was a time when you could live without that thing or that person – nothing is irreplaceable, a habit is not a need.
This may sound so obvious, it may even be difficult, but it is very important.
Closing cycles. Not because of pride, incapacity or arrogance, but simply because that no longer fits your life.
Shut the door, change the record, clean the house, shake off the dust.
Stop being who you were, and change into who you are."
-Paolo Coelho, Closing Cycles

these 2 illustrations are inspired by Rob Cham's laptop sleeve design for Punchdrunk panda.

hello 2012! May this coming year bring us happiness and more blessings! in this process of closing cycles or ending chapters, we must get rid of awful memories (however painful) and learn from them (yes sir!). like what coelho said, getting rid of certain memories, also means making room for new ones. happy new year.

lablab,
ser mots

-----
p.s.

oo nga pala, sabi ng negra kong kapatid nominated daw ako sa TABA 2011 (shet! nagpaparinig ba sa laki ng katawan ko ngayon?) haha sa best blog design (kaso baka out na ko kasi free theme na ang gamit ko), at sa pinakabibong blogger of  the year (na papasa rin sa pinakapekpek these past few months) para sa list ng iba pang nominated blog, punta kayo dito.

at dahil diyan,  maraming salamat sa lahat ng  nagbuhos ng panahon sa pagboto at pagnominate sa blog ng barrio teacher. tara, libre ko kayo ng talaba :)

sa susunod, sa pinakagwapong blogger niyo ko inominate ah. charot

Monday, December 26, 2011

Saturday, December 24, 2011

merry kurisimas

even as an adult i find it difficult to sleep on christmas eve. yuletide excitement is a potent caffeine, no matter your age- terri guillements

merry kurisimas sa lahat!

Monday, December 19, 2011

good morning sa iyo!

ganito sirain ni monmon ang pagkakaganda-gandang umaga ko! umagang-umagang rambulan na susundan ng suntukan sa recess , lunch, uwian at kung saan pwedeng makapuslit.

Saturday, December 17, 2011

Friday, December 16, 2011

note to self 2


1. tinatamad pa talaga ko at di ko pa alam kng san kukuha ng master's degree.
2. masarap kumain pag holiday season!!!! :)
3. masarap mamili pag holiday season !!!! :)
4. masarap lang. period.
5. sinong bibili sakin ng ipad2? ibibigay ko ang puri ko hahah
6. drawing+drawing+drawing= blog posts!

Thursday, December 15, 2011

hectic

hindi ko agad na naisip na ang 17 pala ay sa sabado na.pinagsisisksikan ko lahat ng gala at date sa araw na yun. shet.

kaya ang naisip  ko, hindi na ko aattend sa kasal ni classmate, mamimili kasama ang dalawang kibigan sa umaga, ikakayag si negrang kapatid, mglulunch kasama si pudra ( o iseset na lang sa ibang araw), at makikipag dinner pagkatapos maggala

oha. hectic.

---

moral of the story, tumingin sa kalendaryo.

Wednesday, December 14, 2011

monmon pokemon: dabog

bakit hindi ko to naisip nung madalas akong pagalitan ni mudrax sa pagdadabog ko? at dahil diyan, dadagdagan ko ang grade ni monmon sa creativity sa character builder. hahah

Monday, December 12, 2011

pano naman si britney ko?

mogondo nomon.

party naman nilang magkakaklase yun. kung san sila sasaya, dun ako.hehe sa xmas party na lang namin ako hihirit ng britney spears. :)

Saturday, December 10, 2011

bantayog

bantayog- monument/statue

sige na sige na, marami nanag nagawa si mayor sa bayan at bayani na si pacquiao. pero hindi ba pwedeng si rizal muna? hahah

Thursday, December 8, 2011

third eye


ganyan ka honest si faye. yung tipong kahit grade two palang siya gusto mo siyang murahin nang pagkalutong-lutong.

at ewan ko ba naman kay patrick. pero shet, marami nang nakakita sa babae sa H. E. room. hindi ko lang sure ang suot niya sa mga araw na yun.

Monday, December 5, 2011

wacky

principal: pano ba yung wacky?
co-teacher: edi wacky ma'am
photog: ready?

at sinakal ako ni madam principal.
yun ang idea niya ng wacky. lol

andami namin sa skul ano? hindi yan isang department lang. kumpleto na kami niyan. 1 teacher kada 1 grade level. oha! mula umaga hanggang hapon. umay na umay! pero hong soyo-soyo!

sa wakas, naisakatuparan na ni madam principal ang madalas niyang sabihin saking sasakalin kita ser! tuwing sinasabi kong bumabata siya :) charot

Saturday, December 3, 2011

ang tsismis

*paglalaslas


ito ang paborito kong tanong ng isang estudyante sakin. hehe wala lungs.

*WALA pa kong anak. yun lang talaga ang tawag namin sa mga estudyante sa advisroy class.
lahat ng dapat na naging anak ko, nasa towel. tuyo na. lol

Friday, December 2, 2011

mga pang-uri ni mudra

hindi naman harsh si mudrax gumamit ng pang-uri hindi ba? maliban sa sarili niya

Thursday, December 1, 2011

ang tournament official


liamang araw akong nagbibilad ng ganda sa putanginang athletic meet na yan. ang dahilan kung bakit halos 2 weeks na kong wala sa klase.pwede namang sa gymnastics, sa badminton, sa table tennis. putaragis, sa field talaga dapat?

akala ko eh susyal na susyal ang tournament official yun pala nagkukubli siyang alalay. tagabuhat ng landing foam, tagakalaykay ng pit, taga kuha ng snack (minsan walang snack), taga taas ng flaglets, taga-salo ng mga naghuhurumintadong coach, at alipin ng tournament manager.

at walang paglagyan ang pawis ko tuwing hapon.

pasko paksiw!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...