Saturday, June 30, 2012

TMI


nanonood kami ng sineskeela. oha ETV lang ang peg. tungkol sa development ng baby hanggang sa paglabas niya sa pechay ni mommy. nakaktuwa kasi pinakita talaga yung video ng childbirth, kaya hindi kinaya ni john rey ang pagbukas ng pechay. haha :))

Wednesday, June 27, 2012

red tide

#alamna

kwento lang sakin ng classroom president kong si harwin nang maligo daw sila sa ilog nung nakaraang weekend. tawa ko nanag tawa kasi nawala daw lahat ng hinuhuli nilang isda. nagka-red tide daw kasi :))

pagkatapos niyang magkwento, umikot siya sa classroom para tanungin kung nagka-mens na ba yung mga kaklase niyang girls. kaloka si president.

Tuesday, June 26, 2012

artsy fartsy motsy


first time ko sa  fĂȘte de la musique. sinama ko nila debbie at nyl. akala ko kung ano. pumayag naman ako agad-agad. kaladkarin much?  sumakit ang bangs ko nang bongga-bongga kasi sa experimental kami nagpunta eh britney/westlife baby ako. from pop to experimental? napaka-anti-nicki minaj nitong event na to. haha shit na malagkwet.  lol. pero sa kabuuan (huwow), naenjoy ko naman. kakaiba yung experience. artist artist lang ang peg namin. yng nga lang, kami lang ata ang hindi naka-black. tapos, nung nag check ako sa net, nasa experimental pala si kooky tuason ng romancing venus. bakit di ko siya nakita? siguro nasa trance ako ng mga oras na yun. charot. sayang. 

Sunday, June 24, 2012

classroom officers #2


siguro yung "second emotion" ng mga bagets, ibig sabihin "kasama mo ako sa nararamdaman mo". lol meron pa kami, "i respectfully nominate escort for apple" oha. binugaw pa kay apple haha

Saturday, June 23, 2012

classroom officers #1


bow ako sa confidence ni apple. pak! andaming bloopers ng election namin. marami pa kong kwento para sa classroom election nung friday. iba talaga tong batch na to. hindi ako mauubusan ng blog post :)) aylavet kalabit

Wednesday, June 20, 2012

bubble gum


nag-aaral pa lang ako, uso na samin yung dinidikitan ng bubble gum yung buhok. hanggang ngayon ba naman? meron ding nanunusok sa pwet. rei gun pa ata yun nung batch ko.

Monday, June 18, 2012

yo


parang ganito heheh oha pang MMK lang ang emote

 silaw much?

this is hardcore



Indestructible
Robyn

"And I never was smart with love
I let the bad ones in and the good ones go
But I'm gonna love you like I've never been hurt before
I'm gonna love you like I'm indestructible
Your love is ultra magnetic and
it's taking over
This is hardcore
And I'm indestructible"

x factor/ buchoy

in fairness kay mudrax, medyo hawig nga yung dalawa na yun ngayon. oh well, ginusto niya yan eh. wala naman akong say sa pisngi este sa buhay niya.

-----

samantala sa iba pang balita, walang pasok ngayon..


‎"dahil sweldo at umuulan, wag ka munang pumasok, magshopping ka"- principal

charot.

wala talagang pasok dahil bukod sa Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip, Mula ng tayo'y nagpasyang maghiwalay, Nagpaalam pagkat di' tayo bagay, Nakapagtataka, ooh-wooh. charot ulit. walang tigil ang ulan at maya-maya high tide na ulit sa barrio kaya di na kami pinpasok ng napaka buti at busilak kong principal. makaktipid ako ng pamasahe sa bangka at makakapag shopping nga ako. wohooo! hello pay day!


see you tomorrow kids!! :))

Saturday, June 16, 2012

sakit sa baha

marami palang sakit na nakukuha sa baha. ngayong tag-iulan, umiwas sa paglusong.

Friday, June 15, 2012

love, sex and filipino 101


2 simuno(subject) isang panaguri (predicate)

sabi ko kay bagets, pag  may napakita siyang baka at kalabaw sakin na nagyayakapan, eh ipapasa ko na siya sa grade 6 ngayon pa lang. pwera drawing syempre.

Thursday, June 14, 2012

note to self 5: sexeh and i know it

ang sarap-sarap magdrawing ng pagkain! mas lalo na pag nalalasahan at naamoy diba? ito na ata ang pinaka-matabang katawan na inabot ko. dati akala ko todo na ang baby fats, may mas ilalaki pa pala ako. argh! ang hirap kasing magpigil sa pagkain, maraming tao kasi ang nagugutom. charoot. medyo nagpanick lang ako kasi may mga tshirt na kong masisikip na pero kasya naman last school year saka yung leeg ko nawawla na. napupunta na sila sa boobs. haha

oh well, i-eembrace ko na lang tong bodeh na to. shit. hindi ko abot. hihi

Tuesday, June 12, 2012

filipino 101

nalala niyo yug lesson sa Filipino na 2 ayos ng pangungusap?

1. karaniwan o Tuwid-nauuna ang panaguri kaysa simuno. walang panandang  "ay"
2. di-karaniwang ayos- nauuna ang simuno kaysa panaguri. pinag-uugnay ng panandang "ay"



oha, instant tutorial an ah! :))

coffee addict


pero ako talaga gatas at milo. wala kasi kaming mainit na tubig. hahaha :D

Monday, June 11, 2012

hongboboit!

 sa limang taon kong pagtuturo, ito na ata ang pinaka-behave kong pupils ever. pwede kong umalis ng classroom ng hindi nag-aalalang may magpatayan .hihi kumpara sa batch nila monmon dati na parang nahihigh-blood ako parati, uber payapa ang batch nila julie at jopay. medyo slow lang yung iba pero keri naman :))

lagi kong napagkakamalang hindi pa umaalis yung ibang teachers nila kasi hindi sila maingay, yun pala tahimik lang talaga sila sa room. hongboboit

ito na ata ang bunga ng pagpapakasakit ko batch nila monmon :)) woot thank you lord!

ketchup


andami na naming naipon. si mudrax kasi tinatabi lagi yung mga natira. hoarder ng condiment packets lang ang peg  haha ;)

Sunday, June 10, 2012

shotographer. bag meme


pasukan/ rainy season version ng what's inside your bag? walang pabango. mabango na kasi ako, amoy baby...mapanghi. heheh. 


parang natasha lang hhiih 
para sa orders, text niyo lang ako hihi

lumang meme na to. nakita ko kay garppy at mugen. nagawa ko na to dati pero drawing lang. ayun.

(1) neo notebook. baby pa si neo, pero parang gusto ko nang magpalit. sawa lang siguro. (2) cellphone- isa para sa sun, isa para sa globe. sorry smart. (3) sun broadband- pangalawa na yan. yung isa kong tinapon ko na. sorry ulit smart. para ka kasing pagong.(4) fake girbaud wallet. maswerte to sakin. ewan ko ba. (5) swatch irony na bigay ni pudrax. madalas lang sa bag kasi nangangasim lang pag suot ko madalas hihi yakers (6) dork glasses pag mainit, nasa bag. mas presko minsan ang contact lens kahit medyo makati (7) lesson plan. fuckyou LP (8) toothbrush. kunwari hygienic pero hindi naman (9) ballpen-uni pin pag pumipirma, parker pag regular. nakuha ko nung xmas. (10) raincoat. pag umulan kasi mahirap magpayong sa bangka. effort. (11) charger (12) coin purse na red. para madaling makita (13) scissors-for emergency purposes (14) keys ng classroom at ng bahay (15) stamp pag nagchecheck hehe kaamad pumirma (16) starbucks planner. ginagamit ko ring conference notebook (17) peacock umbrella.para windproof. (18) alcohol. hindi lang pampamilya, pang isports pa!

Saturday, June 9, 2012

call me

uso lang sa school

btw, may kinuhanan kaming video ng epekto ng hanging habagat sa school. take note, wala pang bagyo yan heheh


kaya araw-araw basa ang <bleep>

Friday, June 8, 2012

busog lusog

muka lang busog ako parati. at ako talaga ang ginawang panakot? tong angelic na face kong to? haha

Thursday, June 7, 2012

what's your mix?

pwede ring
50% teacher 50% callboy
20% pinoy 80% buhok


wala lungs.

Wednesday, June 6, 2012

julie-resident kikay

ikaw na julie, ikaw na ang may feather sa headband at pink na pink! ikaw na ang tagapagmana ni ate jolina!

Tuesday, June 5, 2012

jopay


word of the day: hapdog (hotdog) at pikti (fifty) 

umappear na pala si jopay sa blog ko last year (na hindi niya pala kamuka) :) 
obviously, ang pangit ng drawings ko dati. haha at medyo palpak talaga ang bokabularyo ng batang ito

Monday, June 4, 2012

bagong pupils


hong konte ng pupils ko sa 1st day! hahha petiks! pero 25 ata sila talaga. yung iba hindi pa nage-enroll. sa wakas, nalampasan ko rin ang delubyong batch nila monmon :)) 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...