Sunday, July 31, 2011

disappointment








Disappointment to a noble soul is what cold water is to a burning metal: it strengthens, tempers, intensifies, but never destroys it. char .maka-kowt lang. haha 


Thursday, July 28, 2011

hell week

nung lunes- fiestang bayan
martes-half day dahil sa bagyo
miyerkules-supended ang klase
huwebes-local suspension. maalon sa dagat.

kaya bukas, pagud na pagod na ko! sana wala ulit pasok hahahha

eto naman ang saya ng pagiging guro, pag walng pasok ang bagets, wala ring pasok si ser. \m/
_______

tinatam_d pa kong gumawa ng 7 links project. ahhaha. kasi nga di ba? isang linggo na kong pagod hehe

Tuesday, July 26, 2011

overpaid underpaid

so ayun. walang pasok bukas!!! yey! kaya nakagawa ako ng komiks tungkol sa madugong pagkakaltas sa sweldo ko netong july. overpaid daw ako nung may. kaya eto, teacher sa araw, callboy sa gabi.

sa gusto nang umaatikabong serbisyo ko, mag-iwan ng mensahe sa ibaba. char!

______

gusto ko yung sinabi ni Raymond Palatino tungkol sa sona. tutal naman eh nabanggit na ang guro sa last part ng speech ni Pnoy. sabi niya..

"Pnoy’s advice to the public to perform little acts of kindness everyday is very inspiring but it isn’t a function of politics. It may enhance our spirituality but not necessarily the political empowerment of the grassroots "

Thursday, July 21, 2011

grade 5

eto yung naganap kanina. wala lungs.
alam niyo yung nasa naruto? yung mga anbu. ayan.. yan sila sa totoong buhay. hahah

ang estudyante kong manok. amapalaya yung kanya.
pero sabi nung mga kaklase niya, linta raw yung nasa costume niya.

eto yung sa poster making contest na inayos ko. sabi nung estudyante ko:
"ser, ser! tignan nyo yung drawing ni Anthony, anlaki ng suso!"
tungkol kasi sa breastfeeding ang theme ng nutrition month ngayon.


eto yung advisory class ko na napilitang magsuot ng karton para sa parada. :)
anak ng pasig much?

si monmon pokemon ay naka okra.
 bunutan lang kami ng gagwing costume.
ang siste, yung rambutan nung nakita kong naka drawing,
may naalala akong maselang bahagi ng katawan. hahaha

yung tilapia naman, kinulayan ng orange. sweet and sour?

ayaw mag medyas ni gabs. tinatamad siya. ay tamaadd na tamaaad mag medyas!

Sunday, July 17, 2011

weekend comics 1




thank you Robbie for the 2011 emerging influential blogs nomination. T.T mangiyak-ngiyak ako. pati sa mga nagview ng blog ko last week. saaalaaaamaaat ulit :)

Wednesday, July 13, 2011

salamuch!

naooverwhelm ako sa responses nyo sa manila hemp. pressure much. credit goes to raffy, sol and lala :) alabyu. di na ko makapag reply sa inyong lahat dahil sabay sabay kong kinakalinga ang principal kong bagong rebond at si monmon pokemon...pati ang limelight. char!!!


salamaaaat!
lablab,
mots :)

Monday, July 11, 2011

Raffy is the man!!!!

so eto na yung version namin ng Pencil vs. camera ni Ben Heine. sabi nga ni dandarandandang artista/shotographer na si  RAFFY PARCON (ang may pakana ng lahat) , ito ay isang kakaiba at kakatuwang pagbabalik-tanaw sa pak na pak na Maynila. 

Mula sa pinagsama samang bonngga ni Sol Palakol, Lala Torres, mots (bow) at ng halimaw na si Raffy, narito po ang Project: "Manila Paper"

*concept and caption also by Raffy Parcon


Si Sol Palakol, nagmomoment sa Jones Bridge

Si Andres Bonifacio! Nagutom matapos magpunit ng sedula!

Intrimitidang bata, mashadong malinis sa kapaligiran!

Ang creature mula sa Manila Cathedral, lumangoy at nakarating sa Jones Bridge!

Payong Magiliw.

Giant dragon, naubo sa anghang ng siomai!

Myembro ng Cirque de Soleil, naligaw!

CCP, mas pinabongga!

Si Jose Rizal, nangopya!

Obispo, nagtransform! Pak!


Si Lala Torres, nagmomoment sa Jones Bridge



Monumento ni Rizal, Luneta, Ito po ay bell hindi kung anoman.


Orasan sa Manila City Hall, nagalarm!

Giant baboy, tumae!

Inbox ng Post Office napuno ng spam!

Manok, hindi agree sa pangalan ng restaurant! Nagalsa!

Saturday, July 9, 2011

ser ser, he is ispik tagalog

naisip kong buhayin ang kinalakihan nating lahat na bawal magsalita ng filipino sa english subject at eto nga ang ilan sa mga tumatak sakin ngayong linggo. minsan gustong kong magalit kaso napapa tumbling na lang talaga ko sa tawa.


happy weekend sa lahat!

Saturday, July 2, 2011

monmon pokemon

ayoko nang magturo ng arts. charot


bago ko ilipat sa grade 5, sinabi na sakin ng gr. 4 teacher nila na dapat may maintenance ako ng gamot sa high blood para kay edmon. pagpalitin mo lang yung first 2 letters eh ehem, alam na! hindi raw gumagawa ng seatwork, sumasagot sa teacher, nambubully ng klasmeyt. in fairness kay monmon, hindi pa naman niya ko napapagalit. kunti pa lang. hahaha hinanda na kasi ako ni faye para dito. hihi

monmon and mr, teeth

monmon is the man!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...