Saturday, February 18, 2012

wala akong dala


meme pala ito
na-inspire ako kay sir garppy nung sinulat niya yung mga bagay na nasa loob ng bag niya. ehem. well, wala akog disenteng camera at nakakahiya lang kung makikita niyo nang actual ang mga kalat ko sa buhay. kaya naman dinrowing ko na lang. charlot.


1. kapote (hindi condom) -maulan sa coastal school. kaya kailangan laging reydi. yung kapote na parang plastic lang para hindi malaki ang nakukuhang space.

2. towel at hankie- para sa sipon, sa pawis, at sa mga emergency body fluids. yehee

3.putanginang files- utos ng principal, test papers, memo

4. green cross alcohol, penshoppe hand sanitizer, penshoppe free- maarte lang. kunwaring malinis.

5. coin purse-nabili ko sa bangketa,10.00  na walang coin madalas dahil hindi ko makita pag kailangan ko na.

6. wallet- lagayan ng resibo galing atm, ID at family picture.

7.  nokia E72, nokia 1616, kingston data traveler, charger, headset -pag na hold up ako, yung nokia 1616 ang bibigay ko lol

8. random coins- mga hindi nailagay sa coin purse na laging nawawala 

9. payong- laban sa init ng araw pag umuuwi at alon sa bay (peacock para wind proof heheh)

10. Never Let me Go ni kazuo ishiguro na bigay ni psyduck. tamad pa kong magbasa. kala ko mababasa ko pag nasa bangka. kunwari smart.

11. starbucks 2012 planner- bigay ulit ni psyduck (next year ulit pokemon)

12. candy- may nagbigay tapos hindi ko nakain.

13. oakley shades- panangga sa matinding araw (tig 50.00- zuzyalen)

14. contact lens solution- wala akong maliit na lalagyan, sorry naman.

15. dickies eyeglasses- pag pagod na ang mata ko sa contact lens.

16. contact lens case- lalagyan ng sapatos. charlot

17. ruler- hmmm

18. dildo. ching lang..assorted ballpens, purple highlighter, pencil.

19. lesson plan.

20. 11.6 " neo notebook- para pwedeng manood ng porn sa school. charot.

21. bus ticket, scratch paper, kalat ng classroom na inuuwi ko pa.

22. reebok na bag na sale sa trinoma nung pasko.

oha, spell siksik sa bag? 

39 comments:

  1. Tapusin mo na yung never let me go.. may bago kang homework bukas. Haha

    ReplyDelete
  2. Yay! Thanks for sharing. Natawa ako sa dildo and lecheng plans and putanginang files. Hehehe. Btw, I loved Never Let Me Go. One of the best things I read last year. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. o see! maganda daw sabi na rin ni kuya garppy! start reading! :)

      Delete
    2. kung maka-kuya ka ah! hahah :))) sa bakasyon, pwamisss

      Delete
    3. Medyo slow lang ang start pero pag narealize mo na yung nangyayari, nakakaiyak sya. Pwamis!

      Delete
  3. nice... sobrang daming laman ng blog

    ReplyDelete
  4. lesson plan, meron din nyan sa bag ko LOL :)at maraming mga papel :) (nka-relate lang)

    ReplyDelete
    Replies
    1. goodluck satin. o mag advance ka na ng LP mo :))

      Delete
  5. ruler??


    ang saya naman sa loob ng bag nyu serr! sari-sari! ^^

    ReplyDelete
  6. hehehe. kaw na ang madaming dala. :D yup, finish Never Let Me Go, maganda xa :D (shangaps, kelan mo balak kainin yung kendi?) haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako na nga!!

      arghhh. ang hirap humanap ng timing sa pagbaa. gawaan ng grades eh

      Delete
  7. bwahahaha, napaisip ako... pano kung may dildo ka ngang dala tas nakita ng students mo... patays. wahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. "class, this is part of our lesson in reproductive system" charot

      Delete
  8. haha yung bag ko rin halos sumabog na sa laman. at take note halos di narin kulay purple brown na siya. hihihi

    natawa naman ako sa putanginang files. hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakaiyak kaya ang putanginang files hehehe

      Delete
  9. Haha, busy din nanay ko ngaun pag gawa ng Lecheng plan eh haha :) Yun din tawag nya..cool

    ReplyDelete
    Replies
    1. dakila si inay.. hehe pwede ba kong magpasulat? hihi

      Delete
  10. marami ring nagtatanong kung anu lage laman ng bag q, para daw kase akong nagdadala ng bahay araw2 haha

    :))

    ReplyDelete
  11. Parang naisip ko rin magdala na rin ng kapote. =)

    ReplyDelete
  12. wow cool makagawa nga din. para mapilitang akong ayusin bag ko haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe sige. meme pala to eh. spread the love

      Delete
  13. wow cool makagawa nga din. para mapilitang akong ayusin bag ko haha.

    ReplyDelete
  14. aahhh..payong pala yon, akala ko kung ano na..

    by the way ni-copy ko yung illustration mo about sa FB...ni-share ko sa church namin..funny sya pero malaking impact ang meaning! Relate kasi sa theme namin ngayong buwan.

    ReplyDelete
  15. wow sir mots! gusto ko ung kapote na plastic! ahaha. na-inspire then akong tingnan kung anu ang laman ng bag kung parang blackhole...

    ReplyDelete
  16. ang taray drinowing lahat! natawa ako sa lecheng plan, ang kulit lang. para ka nang si doraemon, may isa kang mahiwagang bag. imagine napagkasya mo lahat yan dyan including the big bottle of contact lens solution LOL.

    ReplyDelete
  17. May kulang ang bag mo!! AKO.. Hahaha..

    ReplyDelete
  18. haymishu ser mots.
    tagal tagal na rin since i visited your blog.
    as usual, sarap tumawa kahit muka na ako abnoy sa office katatawa. :D

    ReplyDelete
  19. haymishu ser mots.
    tagal tagal na rin since i visited your blog :D
    as usual, sarap tumawa kahit muka na ako abnoy sa office katatawa. :D

    ReplyDelete
  20. payong ang di mawawala sa bag ko sir. :)

    ReplyDelete
  21. ayaw ko ng sobrang daming laman ng bag..pero ayaw ko din namang walang dala!!! ako na ang marrte at isang palakpak sa sipag mong magbitbit ng maleta..ahahahaha

    ReplyDelete
  22. haha.. natawa naman ako sa putanginang files 101 at sa lecheng plan. haha ako rin may mga baryang di na mahanap sa bagelya kaloka lang. :D

    ReplyDelete
  23. Dati ko pa rin gusto gumawa ng ganito pero hindi ko masiksik sa pekpe.... sa oras ko. Wahahaha.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...