Friday, September 30, 2011

a mouthful 2


a mouthful 2

believe me,

you never drifted
away
from my consciousness
the day
your lips
crossed the
borderline
of innocence.
those lips, the shape of the
moon

since then,
when i think
of your lips
the color of bosom
the taste of cigar
i am
reminded
of the thngs
i've lost
and of what i have not said

but what scares me most now,

my love,
is knowing
that this taste
particularly
peculiar,
the feel of your lips
mapping my memory


will just be a memento
a keepsake
not worthy of


forgetting.


*suntukin mo na ko dok. now na

Wednesday, September 28, 2011

from a tragedy to another

masarap ang tulog ko, kagabi pa lang, tinext na ko ni DepED Secretary Luistro na walang pasok (charut). pero naalimpungatan ako ng tumunog ang malolowbat ko ng selepono

*ang mahiwagang pekpek!* (ganyan ka -wholesome ang message tone ko)

"ser, nagiba po ng malakas na alon yung pader ng classrooms natin sa barrio. basa po lahat ng forms  ng mga bata, natumba po mga shelves, pati po PC lubog sa baha.yung mga bagong books po, inabutan na lang namin na lumalangoy sa labas, di na po namin alam nila ma'am kung pano at san pa magka-klase"

puta. hanubey?  wala na bang katapusan to? hindi ko na alam kung saan ba ko balak kaladkarin ni lord. nangingilid ang luha ko pagkatapos. shet na malagket, san kami pupulutin bukas?

kinuha ang journal ko at binasa ang "When God Seems Absent" ni Bishop Tagle

----
When God Seems Absent

Many thousands of years ago, before our Lord went back to the Father, he promised us that he would never leave us. He promised that he would be with us until the end of the age. And so, we believed that the Lord is with us in Spirit here, now and for always. However, haven't there been times in our lives when we actually felt his absence more intensely than we believed in his abiding presence? Haven't there been seasons an end when we actually sensed we were going all these, alone? And don’t we sometimes feel that our Lord of wisdom and counsel seems to have locked himself away behind divine silence?

What we perceive as a divine withdrawal leaves us wondering when this dark cloud shall lift? When pain and discomfort will no longer pile upon each other? While such times last, we realize the power that despair yields upon us so that we say, "my God, my God, why have you abandoned me?"

We are no strangers to suffering and the sense of abandonment it brands painfully on our spirit. So when suffering and illness walk us to the edge of despair, this God with us, this son of God who promised to stay with us till the end of time, He holds us, He reigns us in and binds us to hope.

Yes, many times he does seem to bind us with such fragile treads of small comfort. Yet, we do not dare to cut him loose and away. For Jesus our Lord, no stranger to suffering himself is compassionate. So, what is this silence all about? We wish to believe that the silence is the time when the Emmanuel actually suffers with us and praise in us in words beyond all understanding. 


----

kalma ser mots. breathe!

Monday, September 26, 2011

dok

ser: nakita mo na ba bonggang bonggang blog ko?
dok: rated PG blog mo
ser: hindi ah (leche ka)

narealized ko habang kinukulayan ko to na napaka-manly nung last frame. hahaha. heniwey, kung may mas napagtatnto ako sa lahat lahat ng nangyari sa mga nagdaang linggo, yun eh yung madalas kumalat sa text na "god won't leave us empty" na madalas ko lang ding  i-delete kasi nga ayokong nagbabasa ng gm.

balik sa kwento, so ayun, kung may nawala man sakin, may bumalik naman. gaya ni dok na isang taon ding walang kontak pero kinontak ko kasi user friendly ako (charut)  at kailangan ko ng mapaglalabasan (yung wholesome) ng sama ng loob. hahaha

at ididnededicate ko sa kanya ang blogpost na ito (na walang kabahid-bahid ng pagiging personal blogger ko) dahil sa ilang araw na niyang pagpapanggap na ate charo sa mga kwentong may halong hikbi at pagiinarte. maraming salamat! o yan, kasama ka na ngayon sa rated PG bwahahaha

sabi nga niya "everything happens for a reason" na gusto ko namang sagutin ng "weh?" pero seryoso. salamat ngespren! sa sususnod na fall-out ulit. charut.

*biglang tutugtog ang theme song ng salamat dok ng channel 2, hahah"salamat dok! (repeat 2x)"

Sunday, September 25, 2011

dalawang mudrax komiks


ginawa ko tong mudrax komiks bago pa man ako mag-inarte. kaya eto. balik dating gawi!

nung pina-scan ko to, sabi ni koya "ay, artist ka pala ng comics" tas hindi ako sumagot. sinuklian ko siya ng napakatamis na ngiti. charot. namula lang ang itlog ko tapos. tapos sabi ko "oh magkano pagpapa-scan?" hihi sungit much.

--

kuya otep, kahit nasa malayo ka,gusto kong malaman mong baliw-baliwan parin ang ating mudrakels.
pag nababanggit si maja salvador, unang taong pumapasok sa isp ko si robbie ng the creative dork. hahaha



na hold naman!

sabi ko last week, hold yourself together dahil tatlong araw akong magmamagnda sa pagbibigay ng lectures on Editorial Cartooning. no brainer na no brainer! charut! so, nahold ko naman ang sarili ko pati si jun jun nang maayos.


at at at..nanalo ang dalawang bagets ko sa Presscon. syempre ako lecturer, nakakahiya namang, sila pa talo. lutong macao. hihi

pero totoo, napaka deserving ng dalawa na yan. pak na pak ang gawa nila. deserve na deserve!

congrats  john peter and john paul! may laban pa tayong tatlo sa chess at math! putaragis wala na bang ibang bata?


2nd si peter (left) at 1st naman si paul (right)


Saturday, September 24, 2011

ibalik sa pwet

nung nakita ko ang sarili kong may mahabang bangs, makapal na eye liner, itim na kuko at may hawak na blade, sabi ko putangina, kailangan ko nang gumawa ng komiks. balik sa elemento. itigil ang walang puknat na pagkukutkot ng kuko, pagtitirintas ng pubic hair, panonood ng porn at pagpapak ng kape.

marami pang mas magagandang kwento sa klasrum na dapat ilipat sa comics kesa sa kapekpekan ng buhay MMK ko. 


Friday, September 23, 2011

old artworks 1

mga thunder bird artworks ko sa Human Growth and Development class nung college. oha. parang humanities lang. :)

*navirus ng pc ng bonggang bonggang principal ko ang flash drive ko kaya wala munang comics ngayon. putaness lang. (excuse ng pageemowt)





nahalungkat ko kahapon habang nagtitirintas ng pubic hair at nanonood ng porn.

Tuesday, September 20, 2011

nameless fussyket

alam ko parang paulit-ulit. pero sabi nga ni joe sa simon birch, when someone you love goes away, you don't lose them all at once.you lose them in pieces over time... like how the mail stops coming.

emooooooo!landii,kiki,pekpek.

eniwey, walang name si orange fussyket. anong maganda?
____

tuluyan na rin akong nagpaalam sa 'king dorky glasses. hello contact lens, hello world!

____

magbibigay pa ko ng seminar bukas hanggang friday! kamown mots. hold yourself together. puta ka. sabi nang hold yourself together.
____

100,000 views. woah! salamat!

Sunday, September 18, 2011

falling to pieces


we may be ravaged by the merciless trespass of disease, made febrile by the abiding pain, sheered and weakened by endless treatment. but even then, even then, the Lord rests and finds comfort in us, his dwelling place. we may be hardened by failed relationships, shrunk down and shriveled up by the wrong choices, made ugly by the pain we inflict on ourselves, and on others. but even then, even then, the Lord rests and finds comfort in us, His dwelling place.

and that gives us comfort.

-from We are God's Dwelling Place.(Songs for Healing. Himig Heswita)

Saturday, September 17, 2011

mahal, malamig na ang kape

from: this poem isn't about you (angelo v. suarez)
maybe we like pain. maybe we're wired that way. because without it, i don't know; maybe we just wouldn't feel real. what's that saying? why do i keep hitting myself with a hammer? because it feels so good when i stop
-meredith grey

--

so,today, i stopped. but i doesn't feel so good at all

Friday, September 16, 2011

wala na si ligaya

mula nung sinabi mong "huli na ang lahat para diyan", naimpid na ang dila kong sabihin ang mga gusto kong sabihin. natakot. nawala sa diwa. nagpakasubsob sa trabaho. uminom ng isang baldeng kape. nagpatubo ng bangs, naglagay ng eye liner, nagkulay ng itim sa kuko. nagluksa, nanalo sa gawad urian.

pinilit muling sumulat ng tula pero walang dugong dumadaloy sa utak papunta sa kamay. na-coma. ipinalapa ang aorta sa aso ng kapitbahay. nakinig sa the script. lumamon ng bande-bandehadong kanin. umorder ng ispageting malamig.  nag miscol. tumawag, hindi sumagot. umurong ang dila, naimpid ang boses. nawala ang comfort sa comfort food, sa comfort room, sa comfort zone.naglaho ang sarap sa masturbation. sinigang ang bahagi ng puso sa sampalok, nilagyan ng amapalaya. ang kalahati'y itinago sa ref.

kung kayang ipansiga ang memorya, ikalat sa hangin ang gunita, i-flush ang ala-ala.

naging mas malulungkutin.

___

sa mga nanalo, tatlong linggo pa ang hintayin.

Wednesday, September 14, 2011

bokal

deep dark kamote

ambilis lang. parang quiz. so ang nakakuha ng tamang sagot ay sina dhang at si anna at si red (kaso pano kiya makikita red?) kung hindi si red eh si noli (kaso pano rin  kita makikita noli?) so si will na ba? parang ayoko. charut hahahah 

magpost ang ang mga nabanggit na pangalan sa comment ng gusto niyong makita sa hartwork. (kunwari: kita nipples, tas nakahawak sa genitalia) hihi

congrats ana, dhang, red, noli and wil. :) sige sige, kasama ka na will.

______



isang taon


isang taon na kong blogger! wahey! nung simulan ko to, wala pa kong trabaho. virgin pa ko at hindi pa lumalaki ng ganito ang man boobs ko. nung lunes ng umaga sabi ko sa sarili ko, titigil na ko sa pagba-blog. saktong isang taon kako. wala lang drama lang. emote emote-an, arti-artihan, landi-landian, nagpapapa-pampam. pero naisip ko rin, naeenjoy ko naman tong ginagawa ko. inuuna ko pa nga to sa paggawa ng lecheng lesson plan eh haha. 

so dahil bortdei nga ng blog ko, magpapa-canton ako ng contest. ang pang 600th follower ko ay mananalo ng aking hawt na hawt na katawan. charut. wala talaga kong contest. sawang sawa na ko sa contest sa school, putanginanaman! hindi ko na yun dadalin pa sa blog.

kaya nais kong magpasalamat sa'yo na bumabasa nito. kung wala ang views mo, ang komento, ang paglilink. baka mas maaga pa eh tinamad na kong mag-blog. pero dahil nandyan ka parin at ever suffortive, umabot ako ng isang bonggang bonggang taon!

---
charaught! may contest talaga ko. ang unang tatlong makapagbigay ng 1st blog title ko ay gagawan ko ng hartwork :))

clue:

     _ _ e _ /  _ a _ _ / _ a _ _ _ e

goodluck! :) mwatsups



Tuesday, September 13, 2011

eyes eyes babeh

alam ko. alam ko. ansipag-sipag ko. pag ganitong mga panahon eh nag-uumapaw ang aking creative juices. charut. oh well, ganun talaga. talented much. wahahhaa charooot


Monday, September 12, 2011

belated HBD

ginawa ko to agad, gabi ng sept 8, kaso tinamad akong kulayan. kaya aya. delayed much

hindi ako devotee, pero ansarap sa pakiramdam nung prayer na memorare. lalo na pag kinakanta.

"Remember, o most gracious Virgin Mary, that never was it known that anyone who fled to thy protection, implored thy help, or sought thy intercession was left unaided.

inspired by this confidence, i fly unto thee, O Virgin of virgins, my Mother, to thee do i come, before thee i stand sinful and sorrowful. O Mother of the world incarnate, despise not my petition, but in thy mercy hear and answer me."


note to self 1

my favorite blog post so far :)) ididikit ko to sa noo ko

Sunday, September 11, 2011

empake


"maliban sa sariling
hindi maiempa-empake"
Empake

Joselito D. Delos Reyes


ganito yata talaga.
gusto mo nang umalis
pero waring ayaw daluyan
ng dugo ang paa.
nasasamid tuwing magpapaalam,
baligtad ang sinasabi sa umiiral.
iisa ang ngiti sa ngiwi,
ang ngiwi sa ngiti.
gusto mong sinsilin
sa tingin,
baunin sa memorya ang lahat
ng kayang bitbitin ng pandama.
ganito nga yata
waring handa na ang lahat
maliban sa sariling
hindi maiempa-empake.

---

makesong-makeso


naalala ko nung pinabasa to sakin ng isang kaibigan sa publikasyon. nakita raw niya sa sunday inquirer magazine noong January 2005. sinulat pa nga niya sa journal ko para magkaroon ako ng sariling kopya. nung isang linggo, habang naghahalungkat ng kung anu-anong papel, nabasa ko ulit 'to. hinahanap sa fb si sir Joselito at humingi ng permiso para ilagay sa blog ko ang tula niya.

sabi nga niya ito na siguro ang pinakamalapit sa pinakamakeso niyang tulang nagdedeliryo noong sinulat.

salamat sir!

*may blog si sir joey: ang s u p e r k a b a d o

Saturday, September 10, 2011

mudrax/parang ano




ayan, dalawang komiks, dahil himala, wala akong seminar ng weekend. next week pa ulit.


alam na alam ni mudra kung kelan malulungkutin ang motsmots niya at alam na alam naman ng mga estudyante ko kung kelan ako pasasayahin.

sa mga ganitong pekpek moments ko mahal na mahal ko ang trabaho ko. kahit minsan isang malaking teatro lang ang pagtayo ko sa harap, kahit papano, gumagaan ang pUkiramdam ko. lecheng drama oh, pang MMK!

happy weekend!

Tuesday, September 6, 2011

bumbay, gising

boses mo
ang gumigising sakin
araw-araw

hanggang kaninang umagang
pinipilit ko ang sariling
bumangon sa pagkakalibing sa
kama. isang gabi matapos
mong sabihing
itnulak kita papalayo.

boses mo ang naririnig ko sa pagpatak ng kada
segundong
iniisip kong ayokong
pumasok ngayon.
ayoko na

narinig kita sa boses ng
drayber pagpasok sa trabaho.
boses mo
ang nagsabing
"san tayo ser?"

hanggang sa pagpasok sa paaralan,
ikaw
ang tinig ng bawat batang
hagalpak sa pagtawa
ang boses ng nakikikipag-ugnay
nakikipag-usap

nananhan ang
tinig mo
sa king magkabilang
tenga
ikaw ang boses na nagtatanong na:
"nasa bahay ka na ba? ingat sa biyahe"

hangang kaninang umaga
hanggang kaninang tanghali
hanggang ngayong gabi

kasabay ng tinig mo sa bawat galaw ng
orasan. hinihintay kita

ikaw ang tunog ng pag-ikot
ng bentilador
ang kutsarang umiikot sa baso ng kape


ang
katahimikan


at sa tuwing uusal ako,
wala akong ibang naririnig kundi ang boses mong
hindi sumsablay sa pagpapa-alalang

"bumbay, gising na...hala, tayo na!"

Monday, September 5, 2011

black batok

sige, ikiskis mo pa sa fez kong mataba na ko. sige pa!! ohhh uhh ahh! shet! heheh

Sunday, September 4, 2011

magpapakasal na si ser

 laging sinasabi ng school head kong may bangs na kaya niya ko pinapadala sa seminars ay dahil bata pa ko, wala pang responsibilidad, wala pang pamilya, wala pang anak, wala pang jinujugjug sa gabi.

so bukas, para itigil na nila ang pagpapadala sakin sa seminars tuwing weekends, magpapakasal na ko. hahaha invited kayo. bring your own food

Thursday, September 1, 2011

ang mahiwagang takip

kumsta naman ang experience niyo sa new blogger interface? ako parang nabulag sa dami ng puti na nakikita ko. hahha pero masasanay rin! in fairness, mas classy ngayon ang blogger. hihi :3

tumatakbo ang komiks sa utak ko kaso wala ng tinta ang bolpen ko. don't you just heyrit? charut
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...