meme pala ito
na-inspire ako kay sir
garppy nung sinulat niya yung mga bagay na nasa loob ng bag niya. ehem. well, wala akog disenteng camera at nakakahiya lang kung makikita niyo nang actual ang mga kalat ko sa buhay. kaya naman dinrowing ko na lang. charlot.
1. kapote (hindi condom) -maulan sa coastal school. kaya kailangan laging reydi. yung kapote na parang plastic lang para hindi malaki ang nakukuhang space.
2. towel at hankie- para sa sipon, sa pawis, at sa mga emergency body fluids. yehee
3.putanginang files- utos ng principal, test papers, memo
4. green cross alcohol, penshoppe hand sanitizer, penshoppe free- maarte lang. kunwaring malinis.
5. coin purse-nabili ko sa bangketa,10.00 na walang coin madalas dahil hindi ko makita pag kailangan ko na.
6. wallet- lagayan ng resibo galing atm, ID at family picture.
7. nokia E72, nokia 1616, kingston data traveler, charger, headset -pag na hold up ako, yung nokia 1616 ang bibigay ko lol
8. random coins- mga hindi nailagay sa coin purse na laging nawawala
9. payong- laban sa init ng araw pag umuuwi at alon sa bay (peacock para wind proof heheh)
10. Never Let me Go ni kazuo ishiguro na bigay ni psyduck. tamad pa kong magbasa. kala ko mababasa ko pag nasa bangka. kunwari smart.
11. starbucks 2012 planner- bigay ulit ni psyduck (next year ulit pokemon)
12. candy- may nagbigay tapos hindi ko nakain.
13. oakley shades- panangga sa matinding araw (tig 50.00- zuzyalen)
14. contact lens solution- wala akong maliit na lalagyan, sorry naman.
15. dickies eyeglasses- pag pagod na ang mata ko sa contact lens.
16. contact lens case- lalagyan ng sapatos. charlot
17. ruler- hmmm
18. dildo. ching lang..assorted ballpens, purple highlighter, pencil.
19. lesson plan.
20. 11.6 " neo notebook- para pwedeng manood ng porn sa school. charot.
21. bus ticket, scratch paper, kalat ng classroom na inuuwi ko pa.
22. reebok na bag na sale sa trinoma nung pasko.
oha, spell siksik sa bag?