Wednesday, January 31, 2018

Hola



So ayun nga. May biglang pag spike ng views ko this week. May kumakalat pala kasing dating comics nanggaling dito sa blog. Maraming nagsasabing (mga 5) na bumalik na ako pero naisip ko na ibang-iba na ako sa sir Mots noong simulan ko ang Teacher's Pwet. Pak emote! Pak artista! Baka hindi ko na magawa yung mga ginagawa ko noon. Pag-uwi magcocomics, pag may nakakatawang eksena sa klasrum, alalalahaning mabuti para isulat. Sabi nga ng estudyante ko kahapon muka raw akong "malungkot na galit" haha baka yun na nga ako ngayon.

Baka bumalik-balik pa naman ako paminsan kung sipagin. Pero pag sinipag ako, hanapin niyo ko sa IG hahahaha

PS. May teacher na sa unang batch ng grade school na naturuan ko. Ang bilis ng panahon no?

Saturday, June 3, 2017

City

3 years ago, i decided to brave the unfamiliar and became a city teacher.
Working here was a huge risk since it's far removed from where i am originally from. I miss the simplicity of teaching in a barrio school but i like it here. Living on my own taught me how to be independent, self-reliant and resilient. I built new connections and discovered a lot of things about myself. Namiss ko na ring mag blog so ayun #angdamingsinabi

Monday, December 22, 2014

14 of 2014


 1.) Wickedmouth book launch (National Bookstore, February 2014)


2.) Teka ang Labo ng Aking Mata release and book signing (September 2014)


3.) NAST DOST Biotech comics 3-4 


4.) MIBF 2014 (September 2014)


5.) Googly Gooeys: 1st Clay Art Commission


6.) Ang INK's 23rd Annual Exhibit: Tale Spun  (December 2014)


7.) Bestseller for March: Wickedmouth (March 2014)


8.) Supremo release ( April 2014)


9.) Manila Bulletin: Ang Ink Corner (June 2014)


10.) Teacher's P*et at The Philippine Daily Inquirer (May 2014)


11.) New Job! (May 2014)


12.) New Crib-Tiger Cirrreh with my labs! (August 2014)


13.) Fanboy moments


14.) New book !!! (soon)

Sunday, November 30, 2014

TP 3


pag may same sex marriage na sa pinas lololol

Thursday, October 30, 2014

Sunday, October 19, 2014

MIBF 2014


o di ba? updated na updated ang aking blog? ang totoo, hindi naman ako busy. medyo tamad lang haha masayang maging city teacher. ganun ata pag masaya, medyo madalang mag blog. chos.

so ayun. maraming salamat sa lahat ng dumaan at sumuporta sa nakaraang MIBF 2014 sa SMX. nandun ako ng dalawang araw para sa book signing kasama ang may-akdang si Xi Zuq sa Adarna House booth.




nakita niyo na ba si Mudrax? ayan siya!!!!! my ever-supportive mudrakels.



-------------------
at nung MIBF din pala ni-launch ang bago naming book ni tito dok na:
Tito Dok 19: Teka Ang Labo Yata ng Aking Mata 


sobrang dami kong natutunan sa paggawa ng libro na to at ang daming clay at space sa bahay ang inubos ko. hihih


maraming salamat sa OMFLIT sa pagkakataon na 'to :)



at sa lahat ng bumili at nagpapicture. feeling celebrity ang lolo mo. char!

------

sa huli, wala ang dalawang libro na to kundi sa nag-iisang citybuoy na walang sawang sumuporta at nagbigay ng oras, pasensiya at pagmamahal (naks) para matapos ko to. hindi ko man madalas sabihin, para sayo ang dalawang aklat na 'to :)


ps.

sa susunod na ang comics! madami na pero yun nga, tamad ako!

Sunday, May 18, 2014

city teacher


bukas, hindi na ako barrio teacher. citeeeeh teacher na! hahah

Monday, May 5, 2014

You win some, you lose some

tinanong ako ng Adarna house kung gusto ko raw bang gumawa ng artwork para sa kwento ni Ibrahim-isang batang muslim. Sobrang excited ako! feeling ko eto na talaga yun! ang unang Children's book ko! sabi ko bago ko maging 30 years old dapat makagawa ako ng isang children's book.


October 7 tinanong  ulit sakin ng Adarna House kung Interesado daw ba akong gumawa ng isa pang sample artwork for kidtesting ng sang libro ito para sa intermediate readers tungkol sa isang batang nag-aambisyong maging katulad ni Andres Bonifacio. siyempre go na go ako ano? pakipot pa ba ako? hihih shet 2 books! 

at lumabas ang resulta: hindi ako nakuha sa Ibrahim :( pero nakuha ako sa Supremo! oha!


sobrang na-enjoy ko ang paggawa ng Supremo. Una, dahil teacher din ako ng grade 5 at 6 kaya nung binabasa ko to, feeling ko mga estudyante ko rin sila mismo :)  pero ang totoo estudyante sila nung author na teacher din si Xi Zuq.



natutuwa rin ako sa Adarna House kasi malaya kong nagawa yung mga naisip ko sa book. may comics, may full color na pages, may parang doodles lang. tuwing tinitignan ko nga to, kinikilig ako! haha labor of love talaga. Siguro dahil unang librong pambata ko to kaya sobrang proud ako sa Supremo at napaganda talaga ng kwento! hihi (shameless promotion)

at san pa ba mauuwi tong post ko kundi sa..

o hala, bili na kayo! 200 Php lang sa mga bookstores! haha

-------------------


in other news, nameet ko ang sikat na googly gooeys. nagpagawa sila ng clay version ng comics nila sa blog. napressure ako nang bongga pero nung nakita ko na natuwa sila, promise nasulit lahat ng pagod! at sobrang nice nila! happy 5th birthday!!! wooohooo


----------------------------


mahabang kwento kung bakit ako na-feature para month ng May sa Philippine Daily Inquirer comics pero isang tao ang naging tulay nito. si Albert ng Crazy Jhenny! maraming salamat boss! at siyempre na dahil din sa athearts dahil dun ko nakilala si albert :D

grabe! kung may isa kong pinakamatagal na pangarap bukod sa pumayat eh eto na yun. wala nga siya sa plano kasi feeling ko imposible na eh hahah pero the universe conspires!!! woohooo ulit


-----

sumali rin ako sa PBBY Alcala prize. hehe pero pak na pak ang mga sumali! walang laban! hihi ayun, talo! congrats sa mga ka-Ang INK na nagwagi!!!!



-----

at ang pinakamahalaga: nasira na ang pen tablet kong si manny. sa magdodonate, mag message lang sakin ahah :D
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...