Monday, April 29, 2013

tamis ng unang pag-ibig


char lang. wala pa kong pangalan para dito pero natapos ko na ang piece para sa kitchen exhibit. hindi pa final yung ayos pero halos ganyan na rin yung lalabas :) magulo pa sa bulbol yung mga pagkain sa plate. 

sa ngayon, di muna tuloy ang exhibit sa May kasi nagka-problema sa venue. punta kayo pag natuloy ah?



Friday, April 26, 2013

Point and Shoot 8: SG 2

The Helix Bridge
River Cruise (ex ni Christine Reyes. Fail!)
Chinatown
Clarke Quay (naka-kalerqui)

Singapore ArtScience Museum

hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi magost ng photoset. patawad! haha last na to for the week (sana) kailangan ko na talagang magdrawing. :)

----
taas bangko

eniwey highway, mag nakaktaba......ng pusong post si Zezil (na may dalawang Z) tungkol samin nila SOB at Glentot. salamat from the bottom of pwet heart!!! 

Thursday, April 25, 2013

Point and Shoot 7: SG

mukang may salamin ano? hihih
mga lumang bahay sa china town
aliw ang mga..ano nga ba to ulit?
in fairness sa merlion na yan. sobrang kisig! char
nakaktuwa sa SG eh yung mga kung anu-anong art lang sa daan. kamuka nito. parang cell na ewan

Singapore Flyer
view sa Singapore flyer bago bumuhos ang ulan
wala kasing street light sa Pinas. haha
naaliw ako dito kasi puro kulay blue sila. wala lungs

oh pak! bakasyon bakasyon din pag may time. hehe aliw sa Singapore! parang ayoko nanag umuwi kaso syempre andito ang trabaho at puso ko. charooot!! unang travel ko to abroad at ang dami kong natutunan :) sa sususnod ko na iko-comics ang Singapore experience ko (maka-experience oh) at kung hindi pa, magiging photo-blog na tong teacher's pwet hihi

at dahil sa trip na yan. kakain na kami ng lupa at hangin pag-uwi ng Pilipinas. shet

Tuesday, April 16, 2013

work in progress



medyo naaliw ako nang sobra kagabi kaya nasobrahan ang gawa ko. heheh at wag nang pansinin ang sangkatutak na fingerprints! :)

para to sa exhibit ng Ang InK sa May. marami pang kulang. :) sana matapos ko bago ang deadline.woot!


cookie batch

ice cream batch

pastry batch
doughnut batch
fast food batch

Saturday, April 13, 2013

sculpey


akala ko madali, pero hindi! hindi! hindeee! mahirap palang mag-mold ng polymer clay. yung ibang sculpey masyadong malambot, yung iba matigas matagal i-bake.  

note to self: magbasa muna ng tips sa internet :)


yung unang gawa ko, pinagpuyatan ko, tapos eto yung lumabas! haha parang na-cremate. sabi kasi 30 mins yung baking time hihih eh dahil oven toaster lang, di ko kontrolado yung temp. kaya ayan, nagmukang TAE!


oh diba ang vain lang! pero nakapag-bake din naman after ng ilang trials. medyo magastos sa clay pero sulit naman. yun din talaga problema sa oven toater, kailangan mag test run muna.

at dahil diyan, may naisip na kong idea para sa exhibit sa Ang INK :))
---

dito ko nakabili ng sculpey: Deovir Art Supplies :)

Sunday, April 7, 2013

Thinkie Tank 1



"Where's the Kraken?"
Thinkie Tank Theme: mollusks and crustaceans

ang unang Thinkie Tank artwork ko! yay! at mahal na mahal ko ang theme nila ngayong month bilang nagtuturo ako sa barrio na napapaligiran ng mga mollusks and crustaceans. nakana naman sa crustaceans!



"Holy Crab!"

ito naman ay inspired ng Scorpio season ng The Creative Dork :) medyo naaliw at naexcite ako sa idea na sa lahat ng Thinkie Tank na gagawin ko, may dalawang bata kasama ng isang item na hindi tama ang proportion hehe :))

Wednesday, April 3, 2013

header

naglinis ako ng files at nakita ko yung mga header na nagamit sa deep dark kamote hanggang teacher's pwet.  :)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...